Blogger na si Olivar walang kadala-dala; pati suicide idinamay | Bandera

Blogger na si Olivar walang kadala-dala; pati suicide idinamay

Bella Cariaso - September 30, 2018 - 12:10 AM

WALA talagang kadala-dala ang blogger na so Drew Olivar dahil matapos masangkot sa sunod-sunod na kotrobersiya, heto nag-ingay na naman kung saan hindi rin pinalampas ang sensitibong isyu ng suicide.

Na-bash muli si Olivar matapos naman ang kanyang panawagan sa mga estudyanteng aktibista ng University of the Philippines (UP) na mag-suicide.

Nag-trending noong Huwebes ang video kung saan sinabihan ni Olivar ang mga estudyanteng aktibista na magbigti sa estatwa ng Oblation sa UP imbes na magprotesta.
“Mag-suicide kayo diyan sa school ninyo para mas okay, para mabawasan. Mag-(Oblation) kayo diyan, ‘yung statue ninyo. Magbigti kayo lahat doon para matapos na talaga,” sabi ni Olivar.

Pumalag maging ang mga mental health advocates sa iresponsableng komento ni Olivar kaugnay suicide at pananakit sa sarili.

“Various groups have been working so hard to fight the stigma and promote responsible means of reporting mental health. Here you have the Pepederalismo dancer, bomb scare instigator, and PWD trivializer Drew Olivar rambling mindlessly about suicide/self-harm,” sabi ni Youth for Mental Health Coalition, Inc. RJ Naguit bilang sagot kay Olivar.

Kanya-kanya rin komento ang mga netizens bilang sagot Olivar.

Isang lumalaking problema ang suicide hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kayat hindi dapat gawing biro ni Olivar.

Dapat ay magpasalamat si Olivar kung wala sa kanyang kapamilya o maging sa kanyang mga kaibigan ang naging biktima ng naturang problema.

Kasama ng isyu ng depresyon, dapat alam ni Olivar na ang mga ganitong topic ang hindi dapat basta-basta pinaglalaruan.

Dapat ay magsaliksik si Olivar kung gaano kasensibo ang isyu ng suicide at depresyon at tiyak na malalaman niya na kahit sino ay maaaring makaranas nito, kontra man o taga suporta ng administrasyon.

Ilang beses na bang nag-sori si Olivar pero tila walang kadala-dala?

Tinuluyan na nga siyang kinasuhan ng NCRPO matapos ang kanyang bomb joke kayat umaasa ang lahat na magtatanda na nga ang blogger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napa-powerful ng social media at para sa isang blogger, may mga isyu na hindi dapat ginagawang biro lamang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending