"Tama ang desisyon ni Dingdong na huwag nang tumakbo, masisira siya sa politika!' | Bandera

“Tama ang desisyon ni Dingdong na huwag nang tumakbo, masisira siya sa politika!’

Alex Brosas - September 28, 2018 - 12:30 AM


WITH seeming finality ay sinabi ni Dingdong Dantes na he will not seek public office in the coming election.

“Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.

“Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan.

“Pero naniniwala ako na ang pagiging public servant ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

“And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia.

“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.

“My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.”

‘Yan ang explanation ni Dingdong kung bakit hindi siya tatakbo sa susunod na election. Marami naman ang nang-inis kay Dingdong sa social media. Pinatutsadahan nila ito.

“Kahit gaano ka sikat na artista pag pumasok ka sa pulitika, pag hindi ka gusto ng tao, wala kang boto kahit idaan pa sa survey cgurado kulelat si Dindong Dantes.”

“Kya bumitaw sa pulitika si Dudung kasi wla syang mapapalang boto puro batikos inabot nya. Drama eklabo.”

“Lotlot lang sa survey! Dami pang ek ek. Ayaw sa iyo ng tao!”

“Tama yan idol Dingdong, wag ka na tumakbo kc mapapagod ka lang! At baka masira lang ang buhay mo diyan,” pagtatanggol naman ng isang netizen.

“Mas mahalaga ang pamilya kesa politika, baka magsisi ka lang in the end kapag pinilit mo pang tumakbo!” said another fan.

q q q

May isang nanglait sa flat shoes which Heart Evangelista was wearing. Pero sa halip na kampihan, todo bash ang inabot ng laiterang frog.

“Sobrang babaw naman…kahit shoes pinapasin pa rin. Wala ba tayong freedom of choice? This is non-sense. After all she looks pretty on this.”

“What a Chao’s. Just because Hearty wear flats, what the heck are these haters thinking? Does she need to avoid wearing flats because there is a certain actress announced she’s pregnant?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“LOL! She’s entitled for whatever she likes. Why don’t you not to mind her business?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending