Bagyong Paeng pumasok sa PAR; lalong lumakas | Bandera

Bagyong Paeng pumasok sa PAR; lalong lumakas

Leifbilly Begas - September 23, 2018 - 08:19 PM

PUMASOK na sa Philippine Area of Responsibility ngayong hapon ang bagyong Paeng.

Itinaas na rin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Typhoon category ang bagyo matapos itong lumakas.

Umaabot na sa 125 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugsong umaabot sa 155 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran. Ngayong umaga ang bagyo ay tinataya na nasa layong 1,050 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City.

Ayon sa PAGASA maaapektuhan ng bagyo na may international name na Trami ang hilagang bahagi ng northern Luzon partikular ang Batanes at Babuyan group of islands.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending