Glaiza: Hindi pa ako handang ibigay ang sarili ko para maging mommy! | Bandera

Glaiza: Hindi pa ako handang ibigay ang sarili ko para maging mommy!

- September 23, 2018 - 12:05 AM


FEELING ni Glaiza de Castro hindi pa niya handang isuko nang buong-buo ang kanyang sarili kapalit ng pagiging mommy.

Ayon sa Kapuso actress, natutuwa siyang makita na ang ilan sa mga kaibigan at kasabayan niya sa showbiz ay may asawa’t mga anak na, at happy siya dahil nakikita niyang maligaya rin ang mga ito ngayong may sarili na silang mga pamilya.

Nakachikahan namin si Glaiza sa presscon ng kontrobersyal niyang pelikula na “Liway” na naging top-grosser sa katatapos lang na Cinemalaya 2018. Ipalalabas na kasi ito sa mga sinehan nationwide simula sa Oct. 10.

Dito nga namin naitanong sa dalaga kung hindi ba siya naiinggit sa mga friends niya na may anak at asawa na, “Yung mga kaibigan ko na may baby na, of course I’m happy for them, like si Kylie (Padilla, na naging ka-close niya sa Encantadia). Pero parang feeling ko, wala pa ako doon sa level na ‘yun. Nasa timing-timing lang naman din kasi ‘yan, e.

“Alam ko na late bloomer talaga ako, at pagdating sa mga bagay na ganyan, parang hindi ko pa naiisip talaga. Hindi pa ako handa na ibigay ‘yung sarili ko (na maging nanay),” aniya pa.

Kinumusta naman namin kay Glaiza ang lalaking nagpapasaya raw ngayon sa kanya, ang Irish surfing instructor na si David Rainey.

“Ayos naman kami (sabay tawa). Okay naman siya,” matipid na sagot ng dalaga. Sundot na tanong namin, kung happy na ang kanyang lovelife? “Love life na ba ‘yon? Hindi pa. Basta tingnan natin kasi ano naman e, may mga pagkilatis pa na dapat gawin.

“Sabi ko nga, let’s see kasi wala pa rin kaming final na, basta ngayon bumibisita siya, nagbabakasyon at enjoy lang kami,” chika pa ng Kapuso actress.

Samantala, hanggang ngayon daw ay naiiyak pa rin si Glaiza kapag binabalikan niya ang mga eksena sa loob Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP kung saan ginanap ang gala night ng “Liway” para sa 2018 Cinemalaya.

Nakatanggap kasi ng standing ovation at matagal na palakpakan ang kanilang pelikula na idinirek ni Kip Oebanda pagkatapos ng screening nito. Bukod pa yan sa sigawan ng mga estudyanteng nanood na parang nagra-rally na sa loob ng sinehan.

Sey ni Glaiza, hindi niya inasahan na ganu’n katindi at ganu’n kainit ang magiging pagtanggap ng mga tao sa kanilang pelikula na tumatalakay sa kuwento ng mismong nanay ni Direk Kip na isa sa mga nakipaglaban noong panahon ng Martial Law.

Ayon kay Glaiza, napakaswerte niya at nakilala niya ang tunay na Liway na humarap din sa nakaraang presscon ng movie. At malaki raw ang naitulong ng pakikipag-usap niya sa nanay ni Direk Kip para mas mabigyan niya ng hustisya ang kanyang karakter.

Ano ang matututunan ng mga Pinoy sa “Liway”, lalo na ng mga millennial na hindi pa buhay noong panahon ng Martial Law?

“Siguro mare-remind sila pelikulang ito na talagang may paninindigan ang mga Filipino, na marunong tayong lumaban kapag kailangan na. Magsisilbing reminder din ito na “Uy, kailangan ito yung gawin natin, o ipapaalala sa atin na ito ‘yung mga dapat nating gawin.

Sinabi pa ni Glaiza na proud na proud siya sa direktor nilang si Kip Oebanda dahil sa pagmamahal niya sa kanyang ina, “Sobrang na-touch ako na nai-share niya yung istorya ng mother niya, kahit marami siyang hesitations.

“Kasi ang feeling niya noon ginagamit niya ang kuwento ng nanay niya at yung mga taong lumaban nung panahon na yun. Pero sabi ko nga, isa ito sa napakahirap pero napakagandang desisyon na ginawa niya. Especially sa generation ngayon na nakalimutan na yung essence ng kung ano yung ipinaglalaban natin,” chika pa ni Glaiza.

Ayon naman sa producer ng pelikula na si Alemberg Ang, “Ginawa namin ang ‘Liway’ para maalala ang mga leksyon ng kasaysayan, kailangang maantig pareho ang isipan at puso ng mga manonood, lalo na ng mga kabataan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Liway” sina Dominic Roco, Vance Larena, Khalil Ramos, Upeng Galang Fernandez, Soliman Cruz, Joel Saracho, Nico Antonio, Sue Prado, Kenken Nuyad at marami pang iba. Ito’y mula sa Vy/AC Productions at Exquisite Aspect Ventures to be distributed by Quantum Films.
Showing na ito sa Oct. 10 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending