Janella may hugot sa lalaking nananakit ng babae, biktima nga ba ng pang-aabuso?
BIKTIMA nga ba ng pisikal na pang-aabuso si Janella Salvador? May tao nga bang nanakit sa kanya kaya meron siyang pasa sa kanyang kamay?
Naging mainit na topic sa social media kahapon ang tweet ni Janella tungkol sa mga lalaking nananakit ng babae at lalong hindi raw rason ang pagkalasing para saktan ang isang tao.
“I think everyone deserves someone who does not hurt them regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women no matter what,” ang mensahe ng dalaga.
Ilang fans ni Janella ang naniniwala na may pinagdaraanan ang aktres lalo na nang makita nila ang kumalat na photo ni Janella na nagmula raw sa Instagram Story ng kaibigan nitong si Julia Barretto.
Sa litrato ay nakatalikod na nagluluto si Janella pero maraming netizens ang nakapansin sa tila pasa sa kanyang kanang braso.
Komento nga ng follower ni Janella, “Lakas ng kutob ko connected yan. If u watch the IG Story of @BarrettoJulia, obviously gusto nya ifocus ang bruise ni @superjanella for emphasis. Plus her caption that night with @superjanella na she deserve some rest.”
Walang sinagot ang rumored girlfriend ni Elmo Magalona sa mga fans niyang nagtanong tungkol sa kanyang kontrobersyal na tweet at sa pasa sa kanyang braso.
Komento naman ng isang JanElmo fan na si Nene Llamado, “Oh my God d sana c moe (Elmo) ang tinutukoy ni jea sa kniang twit. Hanggang ngaun d aq mkarekover lagi q clang naiicip. Everyday i pray for both of them.Mging ok na sana. Hopefully. Sobrang love na love q cla.
Sabi naman ni @idol0903, “Galing sa party si Jea (Janella) hope na walang nasaktan i think sa mga kasamahan lang nila pero alam natin guys na kasama nya c Meow (Elmo) nya kaya safe na safe xa.”
Samantala, sa Instagram account naman ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio, nag-post ng makahulugang mensahe ang veteran singer-actress gamit ang mga hashtags na “NOtophysicalviolence” at “#NOtomenwhophysicallyabusewomen.”
Caption ni Jenine sa kanyang IG photo, “Truth is always objective. Based on facts. It is never subjective. There is only one truth in every story.
“It remains consistent, steadfast & congruent with facts. Any deviation from that just becomes a mere opinion, which is formed by one’s perception of info plus personal judgement.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.