Aktres buhay-reyna sa piling ng politiko, may sariling building na

By Cristy Fermin September 22,2018
share this

Aktres buhay-reyna sa piling ng politiko, may sariling building na

By Cristy Fermin September 22,2018
share this


SA isang siyudad sa Norte na hindi naman kalayuan sa Maynila ay ayaw mamatay-matay ng mga kuwento tungkol sa isang magandang babaeng personalidad na napakaagang sinuwerte sa buhay.

Alam ng mga tagaroon na ang mataas na gusaling itinatayo ay pag-aari ng female personality na balitang karelasyon ng isang kilalang pulitiko.

Dumarating daw sa site ang aktres nang naka-chopper kasama ang kanyang kulukadidang na pulitiko, nag-iikot lang sila sa ipinagagawang building, pagkatapos ay umaalis na rin sila agad.

Kuwento ng isang source, “Napakaaga niya namang sinuwerte sa buhay! Sa totoo lang, hindi niya kikitain sa pag-aartista niya ang ipinagpapagawa niyang building. Makukuba na siya sa kate-taping at kasu-shooting, pero waley pa rin!

“Pero ito, napakabilis niyang naipatayo, ikaw na ang maging apple of the eye ng isang taong umaapaw sa kabusugan ang bulsa, ikaw na!” napapailing na kuwento ng aming source.

Impernes, maganda naman kasi ang aktres, napakasimple pa niya, mahirap ngang paniwalaan ang kuwentong sila na ng kilalang pulitiko, pero ‘yun talaga ang sinasabi ng mga naninirahan sa siyudad.

“Nakikita kasi siya du’n, hindi na niya maitatago ang relasyon nila ng politician, kasi nga, madalas silang makitang magkasama sa place.

“Siya pala ang pinagkakaabalahan ngayon ng politician, siya ang spoiled baby nu’ng pulitiko, kaya pati ang pamilya niya, maganda na rin ang kabuhayan showcase ngayon.

“Yeeeessss!!!! Hindi mababaklas sa bukid ang pamilya niya, kaya ang ginawa ng pulitiko, e, bumili siya nang ekta-ektaryang lupain sa probinsiyang ‘yun!

“Puwedeng inggit lang ang napi-feel ng ibang mga tagaroon sa aktres, pero in fairness, maraming natutuwa para sa girl, dahil hindi siya mayabang. Simple pa rin siya hanggang ngayon, hindi siya nakalilimot sa pinagmulan niya.

“Halik pa rin siya nang halik sa mga kamag-anak niya, sa mga kaklase niya at mga kaibigan, hindi siya nagdadamot ng halik kahit pa kilala na siya ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending