Female singer ilusyunada, reklamadora

By Cristy Fermin September 21,2018
share this

Female singer ilusyunada, reklamadora

By Cristy Fermin September 21,2018
share this

IBANG klase talaga ang popularidad, nakapagpapabago ‘yun ng naturalesa ng mga personalidad, lalo na kung hindi nila kayang hawakan ang biglaang pagbabago ng kanilang buhay.

May mapagbigay na biglang nagiging maramot sa pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta, meron ding dati’y palabati na bigla na lang naging pipi sa pakikisama, malaki ang nagagawang pagbabago ng personalidad kapag sinusuwerte na siya sa kanyang karera.

Kuwento ng aming source, “Tulad ni ____ (pangalan ng isang baguhang female singer), hindi pa nga nag-iinit ang puwet niya sa popularity na nararanasan niya ngayon, e, umaariba na ang pagiging maldita niya.

“Aba, napapansin ng mga katrabaho niya na nagiging maldita na siya, marami na siyang reklamo, matanong na siya ngayon, dahil ang feeling nga niya, e, sikat na siya.

“Kung dati, e, madali lang siyang i-handle dahil wala siyang mga kuskos-balungos, ngayon, e, marami na siyang kaartehan sa buhay,” napapailing na chika ng aming impormante.

May sariling mundo rin kuno ang hindi pa katagalang female singer na ito na produkto ng isang malakihang labanan sa kantahan ng isang malaking network.

“Ang unang ikinaloka sa kanya ng mga katrabaho niya, e, nu’ng mag-demand siya ng dressing room na para sa kanya lang. Sangkatutak ang performers sa show nila, pero ang gusto ng hitad, e, solong-solo lang niya ang dressing room.

“Hindi siya nagtagumpay sa gusto niya! Hello! Kung ang mga sikat at magagaling nga niyang kapwa singers, e, magkakasama lang sa isang dressing room, bakit naman siya bibigyan ng dressing room na kanyang-kanya lang?

“Ano ito, ilusyon? Ano ang feeling niya, nang dahil lang sa isang kantang ipinanalo niya, e, puwede na siyang mag-demand ng kung anu-ano mula sa production?

“Tantanan niya tayo, ‘no! Kundi pa sobrang nakakaantok siyang panoorin kumanta! Bukod sa pang-lullaby na ang atake niya, e, nakapikit pa siyang kumanta, kaya lalo siyang nakapanghihila ng antok, ‘no! Magtigil siya!

“Du’n na lang siya sa mundo niya, sa sariling tagpuang nalalaman niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming chikadorang source.

Alam na! Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending