Donny: Sobang blessed ako na maka-partner si Kisses! | Bandera

Donny: Sobang blessed ako na maka-partner si Kisses!

|September 20,2018
facebook
share this

Donny: Sobang blessed ako na maka-partner si Kisses!

- September 20, 2018 - 12:30 AM


AGAD na nagdala ng saya at kilig sa mas maraming Pilipino ang pinakabagong Kapamilya serye na PlayHouse matapos manguna ng pilot episode nito sa national TV ratings at mag-trend sa social media noong Lunes (Set. 17).

Nagtala ang seryeng pinagtatambalan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ng national TV rating na 13.6%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pilot episode ng serye, nakilala ng mga manonood ang mag-asawang sina Patty (Angelica) at Marlon (Zanjoe) na muling nagkrus ang landas matapos ang ilang taon nilang hindi pagkikita. Ipinakita rin kung paano nag-umpisa ang kanilang pag-iibigan na naghatid ng kilig sa mga manonod.

“Para akong nanonood ng movie sa totoo lang. Katuwa talaga si Angelica, natural na natural lang,” komento ng iWant TV user na si Helen Arcega.

“Galing talaga nito ni Zanjoe. Kahit sino ma-partner niya may chemistry. Parang ang bait-bait kasi niya at parang kung magmahal todo,” papuri ng YouTube user na si Rio.

“Nakakatawa grabe. Ang cute nina Zanjoe at Angelica. Nakaka-good vibes lang talaga ang ‘PlayHouse.’ Excited to watch all the episodes,” sabi naman ni @joycearvhbautista.

Samantala, bagama’t hindi pa nagkakakilala ang kanilang karakter, lubos na ring inaabangan online ang tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan sa pagdagsa ng posts at tweets mula sa kanilang fans.
Tutukan ang kilig at sayang hatid ng PlayHouse tuwing umaga sa ABS-CBN.

Speaking of Donny and Kisses, inamin nilang mas naging maganda pa relasyon nila dahil sa PlayHouse, “Naging mas close kaming dalawa, naging mas confident. Kasi noong una may awkwardness, shyness.

This is the first time that we are doing a teserye in general and together.

“So sobrang blessed ako na makasama si Kisses, kasi parang nagiging mas kumportable ako onscreen whenever I do scenes with her. And she’s easy to work with, sobrang game siya na gawin ang kahit ano para matupad ang kailangan niyang gawin,” chika ni Donny.

Dinenay ng binata na nanliligaw siya kay Kisses, “Right now we are focusing on work and study. I’m in school right now.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Kisses, “I’m in a relationship with my career and with my life. Thankful ako na isang mabuting tao ang naka-partner ko at galing sa mabuting pamilya rin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending