Luigi Revilla may asawa’t anak na; walang hilig sa politika | Bandera

Luigi Revilla may asawa’t anak na; walang hilig sa politika

Jun Nardo |September 20,2018
facebook
share this

Luigi Revilla may asawa’t anak na; walang hilig sa politika

Jun Nardo - September 20, 2018 - 12:35 AM


MAAGANG  nagkapamilya si Luigi Revilla, anak ni Sen. Bong Revilla, Jr. Pero diin niya sa presscon para sa episode niyang “Amats” sa action-trilogy na “Tres” mula sa Imus Productions, nagkaroon siya ng anak after magpakasal sa ina ng kanyang anak.

“Gusto ko ‘yung anak ko, maging close sa titos and titas niya, mga relative and everyone. Actually I wanted him to be like Papa. Si Papa, siya na yata ang pinakamabait sa lahat ng taong nakilala ko.

“Siguro, kahit masama ang loob sa ‘yo, si Papa ‘yung hindi sasabihin sa ‘yo. Siya ‘yung tipo ng taong if you ask for help, he’ll never say no. Malaki talaga ang puso niya,” pahayag ni Luigi tungkol sa kanyang ama.

Siyempre, proud din siyang maging isang Revilla kahit iba ang ina niya kumpara sa mga kuya na sina Bryan at Jolo Revilla. Naudlot man ang showbiz career niya dahil sa maagang pag-aasawa, after ng “Tres” ay magtutuluy-tuloy na siya sa showbiz.

Pero unlike his father at Kuya Jolo, ayaw pasukin ni Luigi ang pulitika, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending