Coco tinawag na pambansang ninong ng showbiz; 'FPJ ng bagong henerasyon' | Bandera

Coco tinawag na pambansang ninong ng showbiz; ‘FPJ ng bagong henerasyon’

Cristy Fermin |September 20,2018
facebook
share this

Coco tinawag na pambansang ninong ng showbiz; ‘FPJ ng bagong henerasyon’

Cristy Fermin - September 20, 2018 - 12:05 AM


ILANG  gabi na naming napapanood sa Ang Probinsyano ang magaling na child actress na si Rhed Bustamante. Natupad ang hiling ng marami nating kababayan na sana’y makarating kay Coco Martin ang kahirapang pinagdadaanan ng pamilya ng batang aktres.

Linggo nang gabi ipinalabas ang kuwento ng buhay ngayon ni Rhed at ng kanyang pamilya sa Rated K, kinabukasan mismo ay pinatawagan na ng magaling na action star ang bata, pagkatapos nang tatlong araw ay nasa set na ng matagumpay na serye si Rhed Bustamante.

Napakaganda ng puso ni Coco Martin, tama lang na tawagin siyang FPJ ng kasalukuyang panahon dahil sa dami ng kanyang mga natutulungan sa industriya, itinuturing siyang ninong ng mga personalidad na nangulimlim na ang bituin.

Balon siya ng pag-asa ng mga artistang nangangailangan ng trabaho, siya ang nilalapitan ng kanyang mga kasamahang ipit na ipit sa usaping pinansiyal, kawangis nga niya ang namayapang Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr..

Sabi nga ni kaibigang Shirley Kuan, ang namamahala sa kanyang mga endorsement, “‘Yun lang ang alam natin, paano pa ang ibang magagandang nagagawa niya na hindi na niya ipinagmamakaingay?

“Kaya naman buhos ang pagdating ng mga biyaya sa kanya, maganda ang puso ni Coco Martin, napakaganda,” papuri ng aming kaibigang manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending