NAGSAGAWA si Pangulong Duterte ng aerial inspection para makita ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyong Ompong, partikular sa Northern Luzon.
Kasamang nag-ikot ni Duterte si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.
Kasabay nito, nakiramay si Duterte sa pamilya ng mga nasawi dahil kay Ompong.
“I share the grief of those who lost their loved ones, those we call the unforeseen events, in insurance this is an act of God. I dont know how it can be an act of God but that is the term used by the insurance,” sabi ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na nasiyahan naman siya sa naging paghahanda para sa pananalasa ng bagyong Ompong.
“Mabuti we had time to meet OCD (Office of Civil Defense) advantage of being here right from the start,” sabi ni Duterte matapos namang pangunahan ang pagpupulong sa Provincial Capitol, Capitol Hills, Tuguegarao City, Cagayan.
Nakatakda rin siyang tumuloy sa Ilocos Norte kung saan pinangunahan din ang isa pang pagpupulong.
Hindi naman tiyak kung tutuloy pa rin siya sa Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.