Angelica may 4 na ‘lalaki’: Thank you Lord for this face! Sobrang ganda ko!

By Ervin Santiago September 14,2018
share this

Angelica may 4 na ‘lalaki’: Thank you Lord for this face! Sobrang ganda ko!

By Ervin Santiago September 14,2018
share this

ANGELICA PANGANIBAN AT ZANJOE MARUDO

IN FAIRNESS, ang haba-haba ng hair ngayon ni Angelica Panganiban dahil hindi lang isa o dalawa ang lalaking nali-link sa kanya ngayon kundi apat!

Idinaan lang sa biro ng Kapamilya actress nang sagutin ang tanong tungkol sa pagkakaugnay niya kina Carlo Aquino, Zanjoe Marudo, JM de Guzman at JC Santos. Leading man ni Angelica ang unang tatlong nabanggit habang nakita naman silang magkasama ni JC sa Hongkong kasama ang ilang friends last August.

Sey ni Angelica, “Wow! Sobrang ganda ko! Thank you Lord for this face!” sabay tawa.

Sa tanong kung sino kina Carlo, Zanjoe, JM at JC ang pinakamalapit sa kanya, “Secret! Bakit ko sasabihin?”

Nilinaw ng dalaga na wala naman sa apat ang pormal na nanliligaw sa kanya, “Hindi rin naman sila nagsasabi na gusto nila ako, e. So, mahirap yung ako ang magsabi kung sino ang pinakamalapit sa puso ko. Nakakahiya! Hindi nakaka-girl!”

Si Zanjoe ang laging kasama ngayon ni Angelica dahil sa kanilang bagong daytime serye, ang Playhouse. May 10 years na silang magkaibigan at kilala na raw ni Angelica ang track record ni Zanjoe pagdating sa pakikipagrelasyon. At naniniwala raw siyang mabait at responsableng boyfriend daw ang aktor.

Naging matipid din si Angelica sa pagsagot ng tanong tungkol sa kanyang lovelife, “Secret!”

Mas tumaas na ba ang standard niya sa pagpili ng dyowa? “Wala namang standard. Hindi mo naman siguro mapipili kung kanino tumibok yun. Pag nakalabit na yung feelings mo, nakalabit na yun. Siguro mas may ingat lang. Hindi yung standard ay tataas. ‘Ay, siguro dapat ganito, businessman.’ Ano kaya yun? E, lalaki pa rin naman yun.”

Hirit pa niya, “Yun nga. May crush naman talaga ako. Hindi naman yun masama.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending