2 anak ni Mr. Official nag-aagawan sa pwesto | Bandera

2 anak ni Mr. Official nag-aagawan sa pwesto

Den Macaranas - September 12, 2018 - 12:10 AM

PROBLEMADO ang isang dating mataas na opisyal ng pamahalaan at ramdam ng mga nakapaligid sa kanya ang pressure habang papalapit ang 2019 local elections.

Hindi dahil sa mabigat ang kanyang magiging laban sa pulitika kundi dahil dalawa sa kanyang mga anak ang nag-aagawan sa mayoralty position sa kanilang lungsod.

Ang kanyang unico hijo ay pumuposisyon na ngayon para kunin ang dating pwesto na hawak naman ngayon ng anak na babae ni Mr. Beteranong Politician.

Ramdam ang gusot sa pagitan ng magkapatid nang madiwang kamakailan ng birthday ang dating mayor.

Pawang mga taga-district 1 lang kasi na mga barangay officials ang dumating sa kanyang party at kapansin-pansin na wala doon ang mga opisyal na galing sa district 2 na siya namang balwarte ng kasalukuyang mayor.

Makaraan ang ilang oras ay dumating sa venue ng party si mayora bitbit ang mga barangay officials mula sa teritoryo niyang distrito.

Sinabi ng ating Cricket na halatang ipinaramdam ni mayora sa kanyang kapatid na dating alkalde na buo ang suporta sa kanya ng mga barangay officials sa district 2.

Sa tagpong iyun marami ang nakapansin sa pagkadismaya ng beteranong pulitiko sa sibling rivalry sa loob mismo ng kanilang pamilya.

Nagawa pa niyang magbiro sa ilang mga kaibigan na present rin sa naturang pagtitipon na kapag hindi nagkasundo ang kanyang mga anak ay wala siyang choice kundi ang tumakbo para muling pamunuan ang kanilang premier city.

Sinabi ng ating Cricket na maraming mga senior citizen sa lungsod ang dismayado sa pagiging mahigpit ni mayora sa pagbibigay ng benepisyo sa mga nakatatanda.

Pero marami ang nagsasabi na tama lang ang ginagawa ni mayora lalo’t marami ang nakikinabang dati sa resources ng lungsod kahit na hindi naman sila rehistradong botante doon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang beteranong pulitiko na problemado dahil sa posibleng paghaharap sa mayoralty election ng kanyang dalawang anak ay si Mr. J..as in Jeronimo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending