Gobyerno nakikinabang sa paghihirap ng masa | Bandera

Gobyerno nakikinabang sa paghihirap ng masa

- September 12, 2018 - 12:10 AM

MAGAGAWA bang umangal ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng mga produkto na pinapatawan ng Value-Added Tax?

Kapag tumataas kasi ang presyo ng bilihin, tumataas din ang 12 percent VAT na nakokolekta ng gobyerno. Sa madaling salita lumalaki rin ang kita ng gobyerno.

Alam naman natin na baon sa utang ang gobyerno at kailangan nito ng pera para pondohan ang mga proyekto.
Halimbawa sa diesel, kung ang base price ng nito ay P40 kada litro tapos papatawan mo ng 12 porsyentong VAT ang magiging selling price nito ay P44.80/litro (P40x12%).

Kung magiging P50/litro ang presyo ng diesel ang ipapataw na VAT dito ay P6 kaya magiging P56. May dagdag na kita sa gobyerno na ang ibig sabihin ay may madaragdag sa pera na hindi kailangang utangin para sa mga proyekto, o pera para may magawang ibang proyekto.

Kung titignan mo maliit di ba? Pero huwag kakalimutan na hindi lang naman isang litro ang ikakarga mo pag punta mo sa gasolinahan. Hindi rin naman isang beses ka lang magpapakarga sa isang linggo. At linggo-linggo ang pagtaas ng produktong petrolyo.

At syempre kapag tumaas ang diesel, tataas din ang iba pang bilihin na inihahatid ng mga sasakyan na diesel ang ginagamit. Kaya patong-patong ang epekto nito sa mga konsumer.

Sana lang nakokolekta ng gobyerno ang lahat ng VAT na sinisingil sa mga konsumer. At sana ay gamitin ng tama ang pondo.

Ngayon pa lang ay nag-aabiso na ang marami na lalo pang lulubha ang trapik habang papalapit ang Pasko.

Noong nakaraang linggo ay pumunta ako sa #MeetInquirer MultiMedia sa Makati City. Umalis ako ng bahay sa San Mateo, Rizal alas-6:15 ng umaga.

Dahil trapik sa EDSA at ipinatutupad ang HOV (high occupancy vehicle) ipinarada ko ang aking sasakyan sa isang mall at naglakad papunta sa istasyon ng Metro Rail Transit 3. (Mas matipid din mag-MRT kaysa magdala ng sasakyan dahil sa mahal ng diesel).

Alas-8 ng umaga ng pumila ako sa MRT. Mahaba ang pila sa ibaba, walang ipinagbago noong kauupo pa lamang ni Pangulong Duterte sa Malacanang.

Nakasakay ako alas-9 ng umaga at bago mag-alas-10 ay nakalabas na ako ng Guadalupe station ay naghintay ng jeep papuntang PRC.

Pagdating sa PRC ay pumasok muna ako sa sangay ng isang fast food dahil puputok na ang pantog ko. Hindi ko pa nagamit kaagad ang CR dahil mayroong mga pulis sa loob, meron daw kahina-hinalang lalaking pumasok sa loob at baka mayroong iniwang ‘item’ sa loob. Nakasuot ng helmet ang lalaki na tumakbo kaya hinabol ng mga pulis pero hindi nila naabutan.

Sumakay ako ng jeep sa Chino Roces at dumating sa gusali ng Inquirer pasado alas-10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Apat na oras na biyahe papunta. Gabi na ako umuwi, at mas maikli ang biyahe ko, tatlong oras at 40 minuto lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending