HINDI nasayang ang excitement na naramdaman ng cast ng pinakabagong Afternon Prime series ng GMA na Ika-5 Utos dahil pinaramdam sa kanila ng viewers ang mainit na pagtanggap sa kanilang programa.
Puring-puri ng mga nakapanood ang napapanahon nitong istorya kaya naman last week pa lang daw, inabangan na nila ito.
Kapansin-pansin din para sa kanila ang hindi kumupas na talento ng nagbabalik-Kapuso na si Gelli de Belen pati na sina Jean Garcia at Valerie Concepcion. Nasabik din silang mapanood sina Tonton Gutierrez at Antonio Aquitania kaya tinutukan nila ang pagsisimula ng serye.
Looking forward din ang lahat sa paglabas ng young cast members ng latest Kapuso afternoon series na sina Jeric Gonzales, Inah de Belen, Migo Adecer, Klea Pineda at Jake Vargas.
Ang Ika-5 Utos ay tatalakay sa kuwento ng tatlong magkakaibigan na wawasakin ng isang krimen. Pero paglilinaw ng cast, hindi lang ito tungkol sa pagpatay.
“Hindi siya ‘yung patay-patayan, it’s really more of keeping hope alive, keeping friendships alive, and relationships alive,” ani Gelli.
Sey naman ni Valerie, “Hindi lang siya ‘yung literally patay na dead na tao, it’s more on ‘yung nagti-trigger sa isang tao or sa situations na makakapatay ng friendship.”
Sabi ni Jean, maraming aral na mapupulot sa serye, “Yung story behind it, and pagkatapos patayin, ano ‘yung lesson na meron.”
Pilot episode pa lang ay pinag-usapan na ang Ika-5 Utos at nag-trending pa ito sa Twitter last Monday. Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento ng Ika-5 Utos tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.