Nagpakilig: Coco dinumog, pinagkaguluhan sa Bulacan
PINAGKAGULUHAN at dinumog si Coco Martin sa Malolos, Bulacan for the Kapamilya Karavan.
This is in celebration of FPJ’s Ang Probinsyano na magdiriwang ng ikatlong taon sa ere this month.
Kitang-kita sa mga photos at videos sa Facebook na kinilig ang mga kababaihan nang kumanta na si Coco. Halos mabingi ang mga tao sa hiyawan at sigawan nang tawagin na si Cardo Dalisay.
Malaki ang pasasalamat ng maraming celebrities dahil binigyan sila ng chance ni Coco na maging active uli.
Ang ilan sa nabigyan ng second chances ni Cardo ay sina Sen. Lito Lapid at anak nitong si Mark Lapid, Joko Diaz, Mark Anthony Fernandez, Whitney Tyson, Viva Hot Babes Maui Taylor, Katya Santos, Jaycee Parker, Gwen Garci at Zara Lopez, si Jolo Revilla na bida sa movie na “Tres” with his brothers Luigi and Bryan Revilla, and former child actor CJ Ramos.
Nakita rin namin sa Twitter ang ilang photos ni Maine Mendoza na kuha before and after ng shooting niya ng MMFF movie with Coco, ang “Jak Em Poy: The Puliscredibles.” Ang fans ni Maine ang active sa pagpo-post ng photos ni Maine at talagang aabangan nila ang MMFF this December.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.