Hugot ni Robin sa kampo ni Trillanes: Nagtagumpay ang mga uhaw sa kapangyarihan!
NA-SHUTDOWN ang Facebook account ni Robin Padilla.
“Masyado raw akong maingay,” paliwanag ni Robin in a radio interview.
Sa kanyang Instagram account ay may mas mahabang explanation ang Sana Dalawa Ang Puso star.
“Sa ngalan ng nag-iisang Panginoong Maylikha ang pinakamapagpala at pinakamahabagin. Ang araw na ito ay nagtagumpay ang mga uhaw sa kapangyarihan lalo ang mga nagpapanggap na mga rebolusyonaryo. Nawala po sa facebook ang aking official account. Paumanhin sa aking mga tagasunod lalo sa Katipunan.
“Mawala man po itong a-king Instagram account tandaan ninyo mga kapanalig ang ating mga naging aral at ang ating mga adhikain. Wag na wag po ninyong kakalimutan kung san nanggaling ang inyong ugat!
Hindi tayo mga Alipin ng kahit na sino. Hindi ako kailanman namulitika! Ang lahat ng aking mungkahi opinyon at posisyon ay hindi para kanino kundi para sa Inangbayan!
“Pansamantala hindi ko maipagtatanggol ang boses ninyo mga mahal kong kababayan sinubukan ko na harapin si Trillanes kahit sa isang radio program habang ako ay tinitira niya sa ere ngunit hindi ako pinayagan makasagot ng aking mahal na kapamilya. Ipagdasal po natin ang Haringbayang katagulan ng Pilipinas. Mabuhay kayo at ang ating panata!”
Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay gumawa ng paraan si Leo (Robin) para imbestigahan si Sandra (Irma Adlawan) na nasangkot sa smuggling at nadamay pa ang asawa niyang si Lisa (Jodi Sta. Maria).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.