Sunshine punumpuno na kay Cesar: Ginagawa ko lang po ito para sa mga anak ko!

By Ervin Santiago September 08,2018
share this

Sunshine punumpuno na kay Cesar: Ginagawa ko lang po ito para sa mga anak ko!

By Ervin Santiago September 08,2018
share this

Cesar Montano at Sunshine Cruz

KARAPATAN ng kanyang mga anak ang ipinaglalaban ni Sunshine Cruz kaya mukhang hindi niya titigilan ang pagkalampag sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Punumpuno na kasi si Sunshine sa diumano’y pangdededma ng aktor sa mga obligasyon nito sa kanilang tatlong anak na babae. Nauna nang nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng kanyang sama ng loob sa nakahiwalay na asawa ngunit hindi pa niya ito direktang tinukoy.

Sa sumunod na post ni Sunshine, mas matapang ang mensahe nito para kay Cesar. Apat na quote cards ang ibinahagi ng aktres na tumutukoy sa pagiging responsable at pagkakaroon ng paninindigan at ito’y nilagyan niya ng caption na, “Sometimes, you have to do what you have to do in order to be heard. We waited for years! Patiently and quietly. I am doing this not for myself but because I know what the children deserve.”

Sinagot din ni Sunshine ang comment ng isa niyang follower na baka raw kaya hindi na nagbibigay ng sustento si Cesar ay dahil may trabaho naman siya. Napapanood si Sunshine sa Kapuso daytime drama series na Kapag Nahati ang Puso.

Sagot naman ng Kapuso aktres, “Not a valid reason. Ilang taon ko na ngang pinapalagpas para iwas stress pero mali na pinapalagpas at hinahayaan. Even if I can provide, he still has a responsibility sa mga minor and legitimate kids nya sakin.

“Hindi po siguro sanay sumusunod sa tinatawag na court order,” aniya.

Samantala, sinagot din niya ang paglalabas ng kampo ni Cesar ng mga resibo para patunayan na nagbibigay ng sustento ang aktor sa mga anak mula pa noong 2015.

Resbak ni Shine, “Posting receipts from year 2005 (got separated year 2013) onwards ba talaga ang batayan ng pagiging isang responsable at mabuting magulang? Really now?! Gumawa pa talaga kayo ng fake account ng kids ko to spread these receipts. And look who’s name is tagged?

“Maria Mercedes AGAIN! Si sister na naman ni ex! 2018 na madam! Di ka parin talaga maka move on!?? A piece of advice, instead of getting angry and ranting on your social media everytime your brother tries to see his children from me (Jan 2, 2018 if my memory serves me right was the last time he saw the children at nagwala ka sa fb mo nung makita mo photos nila!) subukan mo ding mag advice na magpakatatay sya minsan.

“Don’t worry, hindi naman aagawin ng mga bata sa inyo si ex. Tanda na natin! Baka pwede mag move on at magbago na for the better. Nakakapagod na din talaga kayo promise! As far as I know naka file ito, naka lock at iisa lang ang may hawak ng documents. This wouldn’t be out if my EX did not allow this to be posted!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending