Benepisyo sa SSS | Bandera

Benepisyo sa SSS

Lisa Soriano - July 05, 2013 - 07:00 AM

Dear Editor,
Magandang araw. Ang anak ko ay masugid na mambabasa ng Bandera. Nabanggit niya sa akin ang tungkol sa Aksyon Line. Nagkaroon ako ng interes na itanong ang tungkol sa aking SSS. Ako ay miyembro ng SSS. Nakapaghulog ako ng mga ilang buwan lamang. Mayroon ba akong benepisyo na makukuha sa SSS? Anu-ano ang mga benepisyo na maaari kong matanggap? Hindi ko na din makita ang mga papeles ko sa SSS kaya’t hindi ko na alam ang aking SSS number. Maaari nyo ba akong matulungan?
Umaasa,
Estela
Name: Estela Lopez De Guzman Dayang
Date of Birth: January 1, 1940
Name of Spouse: Virgilio Lintingco Dayang
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Ms. Estela Dayang ukol sa benepisyo na maaari niyang makuha mula sa SSS.

Ayon sa aming verification, si Ms. Dayang ay may total na six monthly contributions.

Sa ganitong sitwasyon, ang maaari lamang makuhang benepisyo ni Ms. Dayang ay lump sum disablity benefit kung siya ay may karamdaman at lump sum retirement benefit.

Ang funeral benefit naman ay maaaring matanggap ng kung sinuman ang nagbayad ng pagpapalibing sa member. Ang mga naiwan ng member na hindi umabot sa 36 monthly contributions ang hulog sa SSS at hindi nakatanggap ng lump sum retirement benefit ay maaari ring makatanggap ng lump sum death benefit.

Para makuha ninyo ang inyong SSS number, pinapayuhan namin kayong magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para ito ay ma-verify. Magdala po ng valid IDs para rito.

Kung nais ninyong ipagpatuloy ang paghuhulog ng inyong contributions, mayroon na lang kayo hanggang July 1 upang mag-apply para sa pagpapatuloy ng inyong contributions. Ang application form para sa pagpapatuloy ng contributions ng mga members na may 65 years old na o higit pa ay maaaring makuha sa mga tanggapan ng SSS o i-download mula sa website sa www.sss.gov.ph.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang inyong mga katanungan. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending