Erard lalaban sa Star Awards for Music 2018
SINIGURO muna ng baguhang OPM singer na si Erard na stable na ang kanyang pamilya bago ipagpatuloy ang kanyang passion – ang pagkanta.
Humarap kamakailan sa entertainment media si Erard kung saan nagpasampol siya ng ilang kanta, kabilang na ang carrier single ng kanyang debut album na “Mahal Kita”.
Kahit bago pa lang sa mundo ng recording, napansin agad ang talento ni Erard sa pagkanta dahil isa siya sa mga nominado sa PMPC Star Awards for Music bilang New Male Recording Artist of 2018 para sa album niyang “Walang Forever” under Star Music.
Magaganap ang awarding sa Sept. 9, 6 p.m. sa Resorts World Manila, marking the 9th Star Awards for Music, with the theme “A Decade of OPM Excellence.”
“Singing has been my lifelong ambition and dream, a passion I would like to share with orhers. During my younger years, I was given the privilege to sing at church choirs, a few times at weddings and it brought me much joy seeing people appreciate the simple things I could do for them. Everything seemed to be in harmony and peace,” pahayag ni Erard.
Sabi ni Erard, kinailangan niya munang isantabi ang kanyang pangarap na maging recording artist and performer para sa kanyang pamilya.
“So, ngayon eto na, itutuloy ko na. Sana suportahan nila yung album ko, at siguradong makaka-relate ang lahat ng mga Pinoy sa mga songs na na-record ko,” ani Erard na maihahalintulad ang boses sa OPM icon na si Richard Reynoso.
Ang iba pang kantang nakapaloob sa “Walang Forever” ay ang “Walang Forever”, “Nag-iisa”, “My Love Is Here”, “Hindi Ka Na Niya Mahal” at “Patawarin Mo”.
Available na ang mga ito sa Spotify. For more updates on Erard please visit www.facebook.com/ERARD
and ow him @erard_official on Twitter and Instagram.
q q q
Nag-reminisce ang mga fans sa naganap na mini reunion ng former cast members ng Kapuso youth-oriented show na TGIS. Muling nagsama-sama sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Angelu de Leon, Ciara Sotto, Michael Flores, Rica Peralejo at Chantal Umali.
Present din ang mahuhusay na direktor na sina Dominic Zapata at Mark Reyes para i-celebrate ang 23rd anniversary ng 90’s show. Posible kayang magsama-sama sila uli sa isang Kapuso show? Abangan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.