Mga Laro Bukas
(San Juan Arena)
2 p.m. Perpetual vs CSB
4 p.m. Arellano vs JRU
WALA pa ring makatatalo sa Lyceum of the Philippines Pirates.
Kahapon ay tinambakan ng Lyceum ang San Sebastian Colleges-Recoletos, 88-70, upang umangat sa 10-0 baraha at manatili sa liderato sa pagsisimula ng ikalawang round ng ika-94 taon ng NCAA men’s basketball tournament sa San Juan Arena.
Nagtulungan muli ang magkapatid na sina JC at JV Marcelino kasama ang Most Valuable Player na si CJ Perez para ibagsak ang matinding 7-0 bomba ng Pirates sa pagsisimula ng laro na hindi na nito binitiwan tungo sa huling segundo ng laro para sa ika-10 sunod nitong panalo.
Umiskor si Perez ng 21 puntos habang mayroon itong siyam na rebounds at limang steals. Nag-ambag naman si JC Marcelino ng 17 puntos, anim na rebounds, tatlong assists at dalawang steals. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.