Daniel todo denay sa pasabog ni Karla: Hindi po ako ganu'n kayaman! | Bandera

Daniel todo denay sa pasabog ni Karla: Hindi po ako ganu’n kayaman!

Julie Bonifacio |September 03,2018
facebook
share this

Daniel todo denay sa pasabog ni Karla: Hindi po ako ganu’n kayaman!

Julie Bonifacio - September 03, 2018 - 12:05 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

NAKUHA namin ang reaksyon ni Daniel Padilla sa sinabi ng kanyang Queen Mother na si Karla Estrada na secured na ang future niya hanggang sa kanyang magiging apo after ng successful premiere night ng movie nila ni Kathryn Bernardo na “The Hows Of Us.”

“Hindi totoo ‘yun,” nahihiyang-natatawang sagot ni Daniel sa amin. “Hindi ako mayaman.” Itinanggi niya na secured na secured na ang future niya financially pero bigla rin niya itong binawi.

“No, I mean, nasa tamang paggamit ng pera mo ‘yan. Hindi ‘yun sa kayamanan. Yan ay kung paano mo dinadala ang pera mo. I mean, ‘yun ang plano ko, i-secure ang future hanggang sa mga apo ko,” lahad pa ni DJ.

“Oo, ganu’n talaga. Ayokong dumating ang panahon na hindi ko sila, or wala kaming future. Pero hindi ‘yung secured na sila dahil marami akong pera. I mean, ise-secure ko pa lang,” sabay tawa ulit ni Daniel.

Positive thinker lang daw siguro ang nanay niya at nasabi on air na nakapag-ipon na siya at secured na ang buhay ng kanyang magiging anak at apo.

Anyway, ibang level na ang “The Hows Of Us” nina Kathryn at Daniel from their previous films. Halos mabingi kami sa tilian ng fans pagdating ng kissing scenes nila sa movie, huh!

“Marami ba (ang kissing scenes nila),” tanong niya sa amin. “Hindi naman. Ano lang, hindi naman. I think pasok sa eksena, e. So, alam mo ‘yun? I think hindi naman mahalay,” dagdag niya.

Pero hindi raw porke may kissing scene na sila ni Kathryn sa movie ay palagi ng ganoon ang mapapanood ng kanilang mga tagahanga.

Balitang umabot na sa mahigit P100 million ang kinita ng “The Hows Of Us” ng KathNiel directed by Cathy Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending