NAGBABADYA ang bagyong Maymay matapos na pumasok ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bahagyang humina ang bagyo na may international name na Jebi habang lumalapit sa PAR.
Idinagdag ng PAGASA na walang direktang epekto ang bagyo sa bansa at inaasahan na lalabas ng PAR ngayong umaga.
Ngayong hapon, ang bagyo ay nasa layong 1,375 kilometro sa silangan ng hilaga-silangan ng Basco, Batanes.
Mayroon itong hangin na umaabot sa 190 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 235 kilometro. Umuusad ito pahilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.