Pepe Herrera gusto pa bang bumalik sa Probinsyano? | Bandera

Pepe Herrera gusto pa bang bumalik sa Probinsyano?

Ervin Santiago - September 02, 2018 - 12:05 AM


UTANG ng komedyanteng si Pepe Herrera kay Coco Martin ang magandang showbiz career niya ngayon.

In fairness, mula nang sumikat ang karakter niya bilang si Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano, nagtuluy-tuloy na ang pagdating ng swerte sa kanyang pagiging artista.

At ngayon nga, bibida na si Pepe sa kanyang launching movie, ang “The Hopeful Romantic” kung saan makakatambal niya ang Kapamilya sexy actress na si Ritz Azul.

Sa nakaraang mediacon ng “The Hopeful Romantic” under Regal Entertainment, hindi niya akalain na magbubukas ng maraming pinto at bintana para sa kanya ang FPJ’s Ang Probinsyano.

“Opo, opo definitely and I always mention it until now lalo na yung mga bata sa set ang tawag pa din sakin Benny,” pahayag ni Pepe.

Kung matatandaan, nawala ang karakter ni Pepe sa primetime series ni Coco matapos siyang magpaalam sa Dreamscape Entertainment for some personal reasons. Aniya, hindi naman niya pinagsisisihan na umalis siya sa programa.

“Minsan hindi maiiwasan na may bulong-bulong na ‘sana ganito, sana ganito ang desisyon ko’ pero sinusubukan natin na hindi mag-dwell sa ganu’n, e, kasi naniniwala ako na hindi siya maganda, hindi siya productive kapag nag-regret ka,” pahayag ng Kapamilya comedian.

“Nagkaroon po kami ng series ng pag-uusap ni Coco, ni Sir Deo (Endrinal, head ng Dreamscape) tapos hanggang sa maka-arrive kami sa isang decision na makakabuti para sa lahat which includes me and the story,” aniya pa.

“Thankful lang po ako na it was really’s Coco’s decision na yung final scene ko mag-end sa ganun,” dagdag pa ng binata.

Natanong ang komedyante kung posible pa bang bumalik si Benny sa Probinsyano, tugon ni Pepe, “Siguro po mas maganda na magsama na lang kami sa ibang movie project.”

Speaking of “Hopeful Romantic”, puring-puri naman si Pepe ng kanyang leading lady na si Ritz Azul.

Gagampana ni Pepe ang karakter ni Jess, isang valet parking attendant ng hotel na mapagkakamalang rich ni Ritz, na gumaganap bilang gold-digger at kabit ng mga mayayamang personalidad na si Veronica.

Sa sobrang pagkagusto ni Jess kay Veronica sa unang pagkikita pa lang, paninindigan niya ang pagiging super yaman para makuha lang ang pag-ibig ng babaeng napatibok ng kanyang puso. Pero paano kung magkabukingan na pareho pala silang nagkukunwari lang?

“Sobrang kakaiba ang role ko sa movie. Nakakatawa nga kasi pinanood ko sa mga kaibigan ko, sa nanay ko, lahat ng may kakilala sa akin ‘yung trailer tapos sabi nila, ‘Asan si Ritz doon? Do ko makita. Sobrang ibang-iba ka!’ Ganu’n ‘yung mga comment nila kaya nakakatuwa.”

“Actually, habang nagda-dubbing ako, kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ko, sa mga kilos ko. Hindi talaga ako ‘yun!” dagdag ni Ritz.

“Sobrang gaan katrabaho ni Pepe, tsaka marami siyang ideas na ginamit sa movie. Nagse-share siya para sa mas ikagaganda ng mga eksena. Pati sa mga co-stars niya open siya, sobrang professional, sobrang galing!” sey pa ng dalaga na ang sexy-sexy ngayon dahil mas pumayat pa siya.

Isa pa sa mga nagustuhan niya kay Pepe ay ang pagiging patient nito, “Hindi siya titigil sa take o kahit paulit-ulit ‘yung eksena hangga’t hindi siya satisfied, kung feeling niya may kulang, he’s very willing to shoot it again.”

Kung may isang bagay na natutunan si Ritz habang ginagawa ang pelikula ito ay ang, “Just be yourself, huwag kang magpanggap. Dapat huwag kang magkunwari. Ipakita mo kung sino ka talaga, kasi ‘yun ang mamahalin sa ‘yo ng tao. Kapag may niloko ka, babalik din ‘yun sa ‘yo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Promise nina Ritz at Pepe, mag-eenjoy lang at mai-inspire ang mga taong manonood sa kanilang movie na showing na sa Sept. 12 as direksyon ni Topel Lee under Regal Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending