Female singer ayaw mag-show sa pinagmulang probinsya
MATAGAL nang iniimbitahan sa kanilang probinsiya ang isang female performer pero palaging bigo ang mga namumuno sa kanilang kapistahan.
Handa raw namang magbayad ang komite, pero huwag naman sanang masyadong mataas dahil maliit lang ang budget ng kanilang komunidad.
Pero hindi na umaabot sa pagtatawaran ang kuwento, kahit anong petsa raw kasi ang ibigay sa magaling na female performer ay hindi siya puwede, matagal na kasi siyang nami-miss ng kanyang mga kababayan.
“Nakakalungkot naman ang ganu’n! Sa mismong place kung saan siya nanggaling at lumaki, ni hindi man lang siya maimbita kapag may okasyon sa bayan nila?
“Ang palaging sagot kasi ng female singer, e, hinid siya puwede sa date na sinasabi sa kanya ng mga namamahala sa mga okasyong ipinang-imbita sa kanya.
“Palaging puno ang schedule niya, palaging may ginagawa siya, palaging ganu’n ang idinadahilan niya.
Hindi makakuha ng availability niya ang mismong place kung saan siya nagmula,” simulang chika ng aming source.
Mabuti pa raw ang isang female performer na ni walang kamag-anak sa lugar na ‘yun at nakukuha nila ang serbisyo. Madali raw itong kausap, kapag libre ang kanyang schedule ay walang problema, dumarating ang singer at pinasasaya ang mga kababayan nila.
“Kita n’yo si ____ (pangalan ng female singer na may titulo), wala siyang kahirap-hirap imbitahan. Kahit sa presyuhan, wala ring problema sa kanya, dumarating siya talaga.
“E, ang female singer na tagaroon mismo, nakakasilip man lang ba siya sa probinsiyang pinagmulan niya? Waley! Wala siyang panahon, very busy siya, samantalang wala naman siyang ginagawa kundi ang isang show na siya ang host!
“Araw-araw ba siyang nagte-taping para sa show na ‘yun? Weekly lang ang taping niya, kaya bakit palaging punumpuno ang kalendaryo niya?
“Naku, kapag ganyan siya nang ganyan, e, tatatakan na talaga siya ng mga kababayan niya, magka-clash talaga sila, di ba naman? Hindi maganda ang ganu’n, mismong lugar mo, hindi mo pa mapagbigyan ang imbitasyon?” nakairap na kuwento ng aming impormante.
Nasa Row 4 ba kayo ngayon sa tabi ng basurahan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Naman!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.