Pepe nanginig ang buong katawan nang makaeksena sa kama si Ritz: Nagba-vibrate siya! | Bandera

Pepe nanginig ang buong katawan nang makaeksena sa kama si Ritz: Nagba-vibrate siya!

Reggee Bonoan - August 31, 2018 - 12:15 AM

PEPE HERRERA TOPEL LEE AT RITZ AZUL

SA edad na 24 ay wala pa ring boyfriend si Ritz Azul kaya maraming nagtataka kung bakit? Masyado ba siyang pihikan o sadyang ayaw pa niyang makipagrelasyon o takot sa mga lalaki.

“Sa suitors naman, open ako. Kung may pagtingin ka sa akin, dapat ipakita mo kung paano, pero sinasabi ko agad kung ano ang prayoridad ko, bahala na ang guy na umintindi kung tutuloy pa ba o hindi na,” ani Ritz.

Hindi naman siya pinagbabawalan ng magulang niya bilang nag-iisang anak pero si Ritz na rin mismo ang may gustong trabaho muna ang unahin.

Sa pelikulang “The Hopeful Romantic” nila ni Pepe Herrerra ay labis na nagpapasalamat si Ritz sa Regal Entertainment dahil first movie niya ito.

Romantic-comedy with a twist daw ang pelikula nila ni Pepe na idinirek ni Topel Lee kaya hiningan ng konting kuwento ang dalaga kung ano ‘yung experiences niya behind the scenes at kung ano ‘yung funniest moment na hindi niya makakalimutan habang nagsu-shoot.

“Siguro ‘yung bed scene na tawang-tawa ako kasi natatawa ako sa reaksyon ni Pepe hindi bilang si Jess kundi bilang siya talaga kasi nanginginig ‘yung kamay niya at buong katawan. Nagba-vibrate siya na parang telepono.

“Tapos si direk ang dami pang shots na nakakatawa mismo. Tapos si Pepe, ‘yung mga reaksyon niya sa bawat eksena,” kuwento ni Ritz.

Base sa trailer ng pelikula ay nakitang nag-swimsuit si Ritz na hindi raw siya pinilit. Karaniwan kasi kapag unang pelikula ay ayaw magpa-sexy ng ibang artista, pero sa parte ng dalaga ay okay lang sa kanya.

“Sa storycon po kasi alam ko na kailangang magpa-sexy kaya medyo nag-prepare po ako at sobrang laki ng tiwala ko kay direk (Topel Lee) at sa DOP (director of photography) kung paano niya aayusin at pagagandahin sa screen kaya lumakas din ‘yung loob ko.

“Bilang babae rin, siguro normal din sa isang babae na hindi maging sobrang confident sa katawan lagi kang may insecurities. Ganu’n kasi ako kaya with the help of everyone, lumakas po ‘yung loob ko, napa-swimsuit ako,” kuwento ni Ritz.

Binibiro si Ritz at tinawag siyang “mola” dahil nga sexy at malaking bentahe rin na hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

Samantala, eight years na si Ritz sa showbiz at simula nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2016 ay isang teleserye palang ang nagawa niya na masasabing siya ang lead star, ang The Promise Of Forever na kinunan pa sa ibang bansa kasama sina Paulo Avelino at Ejay Falcon mula sa Dreamscape Entertainment. Ang iba ay puro guestings lang.

Hindi ba naiinip o nababagalan si Ritz sa takbo ng karera niya, “Ako po kasi sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, after The Promise Of Forever po ay naipasok ako sa Banana Sundae, kumbaga na-train ako sa movie na ito na ‘Hopeful Romantic’ na comedy.

“Ako naman po, tumatanggap lang ako kung ano ang dumarating sa buhay ko at naniniwala ako na everything happens for a reason. Ang panahon ang nagbibigay kung ano ang dapat sa ‘yo.

“Hindi po ako naiinip kasi nagkaroon din ako ng time sa family ko, ‘yun po ang pinakamahalaga sa akin, nagkaroon ako ng pahinga at nagkaroon ng realization sa sarili ko na i-balance ang lahat ng bagay,” paliwanag ni Ritz.

Naniniwala ang dalaga na maganda ang pasok ng pelikulang “The Hopeful Romantic” sa kanya, “Kasi medyo nakapaghanda na rin po ako personally and physically dito sa movie, sana po magtuluy-tuloy na. Basta sa ngayon po, masaya ako with Star Magic, at may mga pumapasok din pong ibang projects,” masayang sagot ni Ritz.

Dahil panay ang biro ni Pepe na posible siyang magkagusto kay Ritz ay natanong ang dalaga kung may pag-asa ang binata sa kanya, “Lahat naman may pag-asa, hopeful po tayo,” saad ng dalaga pagkatapos ng presscon.

Sabi pa ng dalaga, “Siya po ang Pepe ng buhay ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mapapanood na ang “The Hopeful Romantic” sa Set. 12 mula sa Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending