Ben Tulfo hiniling ang matagumpay na operasyon ni Mike | Bandera

Ben Tulfo hiniling ang matagumpay na operasyon ni Mike

Cristy Fermin - August 29, 2018 - 12:35 AM

BUMUBUHOS ang masasarap na salita at bilin para sa malapit nang pagpapaopera sa puso ng magaling na news anchor na si Mike Enriquez.

Ang ganito kasarap na pakiramdam mula sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya ang hindi kayang tantanan ng palabang tagapagbalita.

Kahit ang mga kasamahan niya sa trabaho na minsan isang panahon ay kanyang nakaalitan dahil sa pagkakaiba ng kanilang opinyon at konbiksiyon ay nananalangin na harinawang malampasan niya ang paghamong ito sa kanyang buhay.

Ilang dekada nang humaharap sa mga camera at nagraradyo si Mike Enriquez.

Nu’ng mga nakararaang taon ay wala siyang anumang nararamdaman, maayos ang kanyang katawan, pero tama ang kanyang sinabi na meron palang panahon ng paniningil ang ating katawan kapag nagkakaedad na tayo.

Dalawang mahalagang bahagi ng kanyang kalusugan ang binabantayan ng kanyang mga doktor, ang kanyang kidney at puso, sabayang gagamutin ng mga pinagkakatiwalaan niyang espesyalista ang kanyang dinaramdam.

Nakakatuwang banggitin na kahit ang pinakahuli niyang nakakontra sa opinyon na si Ben Tulfo ay nagpahayag sa programa nito para sa isang matagumpay na operasyon para kay Mike.

Iisang mundo lang ang kanilang iniikutan at kinabibilangan, magkikita at magkikita pa rin sila kahit mag-iwasan sila, kaya sa mga ganitong pagkakataon na nalalagay sa sensitibong kalagayan ang kanilang buhay ay napakasarap malaman ang kanilang pagsisimpatyahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending