Dingdong kampi kay Kaladkaren, suportado ang SOGIE Equality Bill
KINAMPIHAN ni Dingdong Dantes ang gay impersonator na si Kaladkaren matapos harangin at hindi papasukin ng isang bouncer sa isang bar sa Makati City dahil bawal daw doon ang mga bakla.
Dahil sa sinapit ni Kaladkaren o Jervi Li sa totoong buhay, ipinaalala ni Dingdong sa mga netizen ang kahalagahan ng anti-discrimination bill.
Isang netizen (@gibbygorres) ang nakisimpatya kay Kaladkaren at nag-tweet tungkol dito.
Aniya, “The bar discriminates against LGBT persons. They violate people’s rights to entry. This bar should not have a place in Makati or anywhere in the country.”
Nag-reply naman si Dingdong dito at tinanong kung saang bar daw nangyari ang insidente.
Dito, pinaalalahanan ng Kapuso Primetime King ang lahat tungkol sa anti-discrimination bill.
“Yung mga may-ari at ang bouncer (na malamang ay sumusunod lang sa utos), ang mga dapat ma-educate sa kahalagahan ng SOGIE equality bill.”
Ang SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity, Expression) Equality Bill ay nagsusulong na labanan ang diskriminasyon at naglalayong magkaroon ng pantay na karapatan ang mga miyembro ng LGBTQIA community, gaya ng pagbibigay ng access sa kanila sa health services, employment at edukasyon.
Bukod kay Dingdong, kinondena rin ng Kapamilya TV host na si Gretchen Ho ang diskriminasyong naranasan ni KaladKaren sa nasabing bar. Ilan pa sa mga celebrities na sumusuporta sa SOGIE Equality Bill ay sina Anne Curtis, Heart Evangelista at ang basketball player na si Arnold Van Opstal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.