Mocha biglang nanahimik, kinastigo ni Duterte?
BUKOD sa katotohanan, nothing is also stranger than the disturbing silence na bumabalot sa paligid ni PCOO Asec. Mocha Uson.
Nasanay na kasi ang taumbayan sa kanyang pag-iingay like a tin can tied to the rear of a speeding tricycle sa bisperas ng Bagong Taon. Yes, latang walang laman.
Hinihintay pa naman namin ang follow-up sa kanyang nakakasulasok na viral video. May mga kasunod pa raw kasi siyang info drive para higit na maunawaan ang federalism and its underlying importance to get it going in an uninformed, or misinformed nation.
Pero walang inilalabas si Mocha in cahoots with her fellow blogger who’s under the threat of a libel case to be filed by the Vice President (Leni Robredo) herself.
Nagbubukas tuloy ito sa amin ng mga ispekulasyon. Sa wakas ba’y kinastigo na si Mocha ng kanyang superior? Or did she privately meet up with her all-knowing allies para tumigil na?
Let’s face it, the past days had been a rough sailing for the administration which Mocha probably thinks is a thing of forever.
Nariyan ang tahasang pag-amin ni Pangulong Digong na siya mismo’y bigo sa pagsawata ng korupsiyon.
Idagdag pa rito ang napako niyang pangako na maipapanalo niya ang giyera laban sa droga. Sadly though, PDu30 isn’t about to let his VP take over the affairs of the State kahit ito pa ang isinasaad sa Konstitusyon.
Ang impending succession marahil ang kinatatakutan ni Mocha na matagal nang may atraso sa posibleng papalit kay Digong. This is what we believe is the main reason for Mocha’s unusual silence.
The twin irony is that, pareho siyang may kalalagyan at wala na rin siyang kalalagyan.
Mocha may fire back, hindi kailangang maipuwesto. She will survive anyway. Puwede siyang bumalik sa dati niyang trabaho. Yes, from dirt she will return, pangatawanan na niya ang public image at perception sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.