'Goyo' ni Paulo madugo, magastos; 2 buwan tumagal ang shooting | Bandera

‘Goyo’ ni Paulo madugo, magastos; 2 buwan tumagal ang shooting

Reggee Bonoan - August 24, 2018 - 12:05 AM

DALAWANG pelikula na ng TBA Studios ang co-produced ng Globe Studios na pinamamahalaan ni Direk Quark Henares, una na nga riyan ang “Birdshot” na humakot na ng maraming awards mula sa iba’t ibang award giving body sa loob at labas ng bansa.

Ikalawang collaboration nila ay ito ngang “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinagbibidahan ni Paulo Avelino. Inamin ni direk Quark na madugo ang shooting ng pelikula dahil umabot sila ng 60 days, hindi pa kasama ang pre-production at post-production na halos umabot ng isang taon.

Tumatawang bungad sa amin ni direk Quark, “Ang hirap palang maging producer, puro meeting.”
Hindi binanggit ni direk Quark ang total budget ng “Goyo,” pero ang biro niya, “Malaki maski na 1/4 percent lang sosyo namin kasi puwede na akong gumawa ng isang epic film, ganu’n kalaki!”

Kung may chance ay gustong bumalik ni direk Quark sa paggawa ng pelikula, “Nami-miss ko na nga magdirek, eh, I mean nangangati na talaga akong magdirek.”

Bakit hindi niya kausapin ang TBA Studios na ipag-produce siya ng pelikula for a change, “Well, ayoko namang gamitin. Even If I’ll direct, feeling ko hindi rin sa Globe (Studios), feeling ko sa labas.

“May gusto akong isulat (script), e, pero ang hirap talagang maghanap ng oras. Kasi di ba, ako ‘yung tipo ng direktor na part of the writing process din, actually iyon ang pinakamahirap for me, to write,” katwiran ng direktor.

Kung sakaling magsusulat ng sariling pelikula si Quark ay kailangan niya ng dalawa hanggang tatlong buwang bakasyon, “E, hindi puwede because I’m a regular employee now, yes.”

Bukod sa “Birdshot” at “Goyo” ay ka-partner rin ang Globe Studios sa “All Of You” na entry ng Quantum Films noong 2017 sa Metro Manila Film Festival na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

May iba pang projects ang Globe Studios na hindi kasosyo ang TBA, “Yung ‘LSS,’ ‘Last Song Syndrome’ with Jade Castro (direktor), starring Gabbi Garcia and Khalil Ramos, romcom ito. May isa pa kaming ginagawa, comedy naman.”

Sa tatlong pelikulang naiproduce ng Globe, may bumalik na ba (kita)? “Meron naman, kasi significant ‘yung Netflix. Di ba ‘yung ‘Birdshot’ nabili na ng Netflix. So malaking bagay ‘yun. Saka ‘yung All Of You kumita naman.

“So itong Goyo, tingnan natin kasi malaki talaga ang nagastos, hindi ko talaga puwedeng sabihin kung magkano, basta malaki,” tumatawang sabi ni direk Quark.

Samantala, isa rin sa mga producer ng “Goyo” si Paulo Avelino pero hindi alam ni direk Quark kung magkano ang isinosyo ng aktor.

“Sila ang nag-usap, eh (TBA) kaya hindi ko alam. Bale tatlo lang naman kaming investors, Globe, TBA at si Paulo,” pagtatapat ni direk Quark.

Anyway, kinumusta naman namin ang buhay pag-ibig ni direk Quark na inaming sa May, 2019 na ikakasal sa kanyang fiancée, ang singer-songwriter na si Bianca Yuzon. Inamin ng direktor na sa musika sila nagkasundo dahil nga musikero rin ang panganay na anak nina Dra. Vicki Belo at Atom Henares.

Sa ibang bansa sila magpapakasal dahil, “Mas less ang gastos saka puwedeng i-cut down ang invitees. Ha-hahaha! Saka sa Asia lang hindi naman ako sa Europe, puwede na sa Bali (Indonesia). Erpats (Atom) ko sa Tagaytay lang, eh. Si Cristalle (Henares-Pitt) sa Italy (Lake Como), si Mama sa Paris.”

Kinumusta rin namin ang mama niyang si Dra. Belo, “Okay naman na siya, tahimik. Buti na lang, salamat sa Diyos walang gulo na.”

May plano ba siyang pumasok sa pulitika, “Parang mas madumi pa sa showbiz. Ha-hahaha! Di ba? Sabi nga ng mom ko parang gusto niya, ‘sabi ko, ‘wag na.”

Anyway, mapapanood na ang “Goyo: Ang Batang Heneral” sa Setyembre 5 handog ng TBA Studios at Globe Studios.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin dito sina Carlo Aquino, Mon Confiado, Epy Quizon, Gwen Zamora, Karl Medina, Aaron Villaflor, Alvin Anson, Art Acuna, Ronnie Lazaro, Perla Bautista, Jojit Lorenzo, Carlo Cruz, Che Ramos, Matt Evans, RK Bagatsing, Stephanie Sol, Miguel Faustmann, Jason Dewey, Bret Jackson, Ethan Salvador, Robert Sena at Benjamin Alves, sa direksyon ni Jerrold Tarog.

Ang nasabing pelikula ay suportado ng government agencies tulad ng National Council for Culture (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Education (DepEd) at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending