Tekla trabaho lang ang pagkabakla: Lalaki talaga ako! | Bandera

Tekla trabaho lang ang pagkabakla: Lalaki talaga ako!

|August 21,2018
facebook
share this

Tekla trabaho lang ang pagkabakla: Lalaki talaga ako!

- August 21, 2018 - 12:20 AM

SUPER TEKLA

IPINAGDIINAN ng Kapuso comedian na si Super Tekla na hindi siya bakla – napatunayan daw niya sa kanyang sarili na isa siyang tunay na lalaki.

Sa nakaraang presscon ng GMA Telebabad series na Inday Will Always Love You, diretsong sinabi ni Tekla (Romeo Librada sa tunay na buhay) na wala pa siyang nakarelasyong kapwa lalaki, at sa babae pa rin daw siya nagkakagusto. Meron din siyang anak na babae sa dati niyang dyowa.

“Lalaki talaga ako. 100% guy ako. Nabuhay kasi ako sa comedy bar kaya na-adapt ko ‘yung pag-iisip na how to be gay. Honestly, once gay ka, gagapang at gagapang ang kamay mo. Ako, hindi, never,” ang pahayag ni Tekla na gumagaap na beki sa Inday Will Always Love You bilang si Kimberlou na kaibigan ni Patrick (Derrick Monasterio) at may gusto kay Frank, ang karakter ng internet sensation na si Kimpoy Feliciano.

Aniya, pinagdudahan na rin niya noon ang kanyang sekswalidad, “Sinubukan ko na ‘yung sarili ko kung bakla ba talaga ako pero walang spark (sa kapwa lalaki). Promise! So, confirmed!”

Naniniwala naman ang co-star ni Tekla sa Inday Will Always Love You na si Ricky Davao na straight ang comedian, “Kasama ko siya sa tent, eh. Tuwing nagbibihis kami, tumatalikod siya pero kapag ‘yung mga babae nagbibihis, nakaharap siya.”

Hirit naman ni Tekla, “Sumisikip nga ‘yung pantalon ko eh!”

Sa katunayan, nasa proseso raw siya ngayon ng pagmu-move on dahil kakahiwalay lang nila ng kanyang girlfriend na nakarelasyon niya ng limang taon.

Inamin din ng komedyante na nahihirapan siyang i-let go ang feelings niya sa dating girlfriend dahil ilang taon nga silang nag-live in. Ayon kay Tekla, naiinis nga raw siya sa kanyang sarili dahil talagang weakness niya ang lovelife.

Nawawalan daw siya nang ganang magtrabaho kapag nasawi sa pag-ibig at ito raw ang pinagdadaanan niya ngayon. Sinusubukan niyang magpaka-busy para makalimutan ang kanyang
pangungulila.

Samantala, patuloy na subaybayan ang season 2 ng hit na hit na romantic comedy series ng GMA na Inday Will Always Love You starring Barbie Forteza, Juancho Trivino, Derrick Monasterio, Gladys Reyes, Manilyn Reynes at marami pang iba. Kamakailan ay pumasok na rin ang karakter ni Jean Garcia na magiging karibal ni Manilyn kay Ricky.

Mas matitindi pang hamon ang haharapin ni Inday Happylou (Barbie) ngayong nakuha na ni Amanda (Gladys) ang lahat ng yaman at ari-arian ng kanyang ama na si Philip (Ricky).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang bibisita sa barangay ni Happylou linggu-linggo, kabilang na sina Kyline Alcantara, Kim Domingo at marami pang ibang surprise guests. Kaya gabi-gabing subaybayan ang Inday Will Always Love You, pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending