Robin kay Mariel: Malaking sakripisyo ang magkaasawa ng rebolusyonaryo at seloso! | Bandera

Robin kay Mariel: Malaking sakripisyo ang magkaasawa ng rebolusyonaryo at seloso!

Alex Brosas |August 21,2018
facebook
share this

Robin kay Mariel: Malaking sakripisyo ang magkaasawa ng rebolusyonaryo at seloso!

Alex Brosas - August 21, 2018 - 12:30 AM

BINIGYAN ng tribute ni Robin Padilla ang asawang si Mariel Rodriguez bilang paggunita sa 8th anniversary nila bilang married couple.

Sa isang video sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Robin kung gaano kaalaga sa kanya at sa anak nila si Mariel.

“Ika 19 ng Agosto 2018 Sa ngalan ng Nag iisang Panginoong Maylikha ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Purihin ang Panginoon sa kanyang patuloy na pagpapala sa atin mula sa unang araw na mag asawa tayo hanggang ngayon napakaganda ng ating naging buhay lalo sa pagdating ni Isabella Alhamdulillah ngayon ay 8 taon na tayong kasal @marieltpadilla.

“Nakikita ko pa ng maliwanag sa aking kaisipan at alaala ang mga matatamis na ganap papunta sa kasal natin sa Taj Mahal hanggang sa happy moments natin sa red fort.

“Na enjoy ko ang paglalayas mo sa mundo mo Allah hu Akbar!! 2010-2014 halos 4 na taon din ang inilaan mo sa para sa Pangarap ko na magpakalayo at mabuhay ng tahimik sa ibang bansa.

“Hindi mo ako iniwan bagkus kumapit ka ng mahigpit sa Paraisong Pangako. Malinaw na ang kinabukasan natin sa Europa ngunit sa isang iglap nabago ang lahat dahil sa pag uwi natin para gawin ko ang pelikulang ‘Bonifacio: Ang unang Pangulo.’ Mula 2015 nabalik tayo sa mundo natin muli tayong nabuhay sa tamis ng sining at telebisyon.

“Makailang beses natin sinubukan umalis uli at balikan ang pangarap sa Europa! Sinalubong natin ang hampas ng alon hanggang dumating ang ating anghel na si Isabella. Nabago ang lahat sa atin. Ang kulay ng kaligayahan at kasayahan lalo ng buhay ay umikot sa bagong reyna ng ating tahanan.

“Nag umpisa ang bago at unang kabanata ng iyong libro ng buhay bilang isang Ina. Saludo ako sa ginawa mong mga dasal, sakripisyo at science para mabuhay ng natural si Isabella sa gitna ng karamdaman. Nagamot mo ang anak natin na walang tulong ng synthetic medicine.

“Kasabay ng pakikibaka mo sa pagiging Ina ay ang pakikibaka naman sa akin. Alam ko napakalaking sakripisyo ang pinagdaraanan mo sa pagiging asawa ng rebolusyonaryo at seloso. Hindi madali para sa iyo ang maging napakaingat pero iginagapang mo ito para maging mapayapa ako,” mahabang caption ni Robin.

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso, tila nagselos si Lisa (Jodi Sta. Maria) kay Mona (Jodi) dahil sobrang close nito kay Leo Tabayoyong (Robin).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending