Hataw: Maine pinagsasabay ang shooting ng ‘Jak Em Poy’ at pagre-record ng album
PINAGSASABAY ni Maine Mendoza ang shooting ng festival movie niyang “Jak Em Poy” at ang pagre-record ng mga kantang kasama sa debut album niya under Universal Records.
“Malapit nang matapos ang una niyang album. Eh sa movie, enjoy na enjoy si Meng sa role niya bilang policewoman,” sey sa amin ng manager niyang si Rams David sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde last Sunday sa Crowne Plaza Hotel.
Sa darating na September, wala nang urungan ang launching ng tinimpla niyang shade of lipstick mula sa isang global brand ng cosmetics.
At siyempre, abangers pa rin ang mga solid AlDub fans sa mga susunod na eksena nina Meng at Alden Richards sa Eat Bulaga.
Samantala, sa anniversary concert ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum last Saturday, nanood
si Meng kasama ang ilang kaibigan. Marami ang pumuri sa pagpapaka-fan girl niya kay Anne kahit na nga bahagi ang aktres ng katapat na programa ng Eat Bulaga, huh!
Magkasama sina Maine at Anne sa tweet pic na ipinost ng Phenomenal Star na may mensaheng, “Continue being an inspiration to many!”
Tugon naman ni Anne sa mensahe ni Meng, “Awww thank you for the kind words and for coming to my concert Maine. Big Hug!”
Anyway, sa 80th birthday ng Regal producer, ilan sa namataan naming artistang bumati sa kanya ay sina Congresswoman Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, Vice Ganda, Roderick Paulate, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, Lovi Poe, Joem Bascon, Barbie Forteza, Jak Roberto, Derrick Monasterio, Sanya Lopez, Marian Rivera, Dingdong Dantes at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.