Sa mga bashers ni Kris: Bahala na ang Diyos sa inyo!
TOTOONG-TOTOO ang emosyon ng mga artista. Hindi nila mapasasaya ang lahat, gumawa man sila ng kabutihan ay meron pa ring masasabi ang iba kontra sa kanila, meron pa ring kulang kahit pa ibinigay na nila ang lahat-lahat ng kanilang makakaya.
Naglaan ng mahalagang panahon si Kris Aquino para mamahagi ng tulong sa mga binaha-binagyong residente ng Marikina City. Mahaba rin ang preparasyon bago siya nagpunta sa maputik na lugar.
Nagpamili muna siya sa kanyang staff ng mga lalamanin ng mga supot na ipamimigay nila sa mga binagyo, mga pangunahing produkto ‘yun na kaila-ngang-kailangan ng mga pansamantalang umalis sa kanilang mga bahay para sa kanilang kaligtasan, maghapong ihinanda ‘yun ng kanyang team at kinagabihan ay nagpunta na sila sa isang eskuwelahan sa Marikina.
Napakaraming napasaya ni Kris, nagpasalamat sa kagandahan ng kanyang puso ang mga opisyal ng siyudad, pero sa kabila nu’n ay kung anu-ano pang paghusga ang ibinato sa kanya ng mga taong walang ma-gandang magawa sa buhay.
Nagpapalakas lang daw si Kris dahil tatakbo siya sa susunod na eleksiyon, nagmamaganda lang daw ang aktres-TV host dahil para ‘yun sa sarili niyang interes, pagpapakitang-tao lang daw ang kanyang ginawa.
Nilinaw ni Kris Aquino na katatapos lang niyang pumirma ng kontrata sa tatlong malalaking ahensiya para sa pag-eendorso ng mga produkto at nakasaad sa pinirmahan nilang kasun-duan na hindi siya puwedeng lumahok sa mundo ng pulitika.
Mula sa puso ang kanyang pagtulong, wala siyang pagdadalawang-isip na gumawa ng mabuti para sa mga kababayan natin sa Marikina na nalubog sa baha, totoo nga na bahala na lang ang Diyos sa mga taong nag-iisip ng hindi maganda sa mga taong bukal sa puso naman ang ginagawang pagtulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.