Kilalang male star walang tumatagal na karelasyon dahil sa epal na nanay

By Cristy Fermin August 18,2018
share this

Kilalang male star walang tumatagal na karelasyon dahil sa epal na nanay

By Cristy Fermin August 18,2018
share this

SA lunch break ng isang serye ay pinagpistahan ng mga magkakaumpukang personalidad ang isang kilalang male personality na hindi pinalad na magkaroon ng matagalang relasyon.

Artista man o non-showbiz ang kanyang maging girlfriend ay palaging panandalian lang ‘yun, pinakamatagal na kung makaisang taon, dahil palaging may umeeksenang problema.

Maganda sana ang katangian ng aktor, mabait siyang anak, pero ang sobrang kabaitang ‘yun ang nagiging dahilan ng paghiwalay sa kanya ng mga nagiging karelasyon niya.

Chika ng isang miron sa umpukan, “Wala kang masasabi sa kanya bilang anak. Siya ang pinapa-ngarap na maging anak ng kahit sinong magulang. Masunurin siya, magalang, pero ‘yun ang problemang malaki ni ____(pangalan ng kilalang aktor) sa pakikipagrelasyon niya.

“Sa sobrang kabaitan niya, kahit ano ang sabihin ng mommy niya sa kanya, e, sunod lang siya nang sunod. Wala siyang reklamo, hindi siya tumatanggi, kaya napakabait nga niyang anak,” pasakalyeng chika ng aming source.

Hawak sa leeg ng kanyang ina ang guwapo at magaling na aktor, kung ano ang sabihin nito ay parang batas na para sa kanya, kaya walang tumatagal na karelasyon ang male personality.

“Nakakailang girlfriends na siyang artista, maganda ang takbo ng relasyon nila sa mga unang months, pero kapag nagtagal-tagal na, umpisa na ‘yun ng pagtatalo. Kasi nga, palaging umeeksena ang mommy niya.

“Kunwari, e, may date sila ng GF niya, pero bilang sinabi ng mommy niya na kailangan nilang magpunta sa isang kamag-anak nila para dumalaw. Wala nang magagawa ang male personality kapag ganu’n, hindi niya puwedeng pahindian ang mommy niya.

“Natural, tatawagan niya na lang ang girlfriend niya, sasabihin niyang hindi na sila matutuloy, dahil kailangan niyang samahan ang mommy niya. Palaging ganu’n ang nangyayari.

“Lahat ng galaw niya, e, kailangang alam ng mommy niya, super-makananay ang macho looking pa namang male personality. Kapag mommy na niya ang nagsabi, nakatali na ang dila ni male personality.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ano nga ang tawag ng mga becki sa term na pagod na pagod na? Haggard, di ba? Getlak n’yo na?” pagtatapos na chika ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending