‘Forecast’ ibinalik na ng 3 karerahan | Bandera

‘Forecast’ ibinalik na ng 3 karerahan

- August 17, 2018 - 10:59 PM


SA kahilingan ng tatlong horseracing club sa bansa — Metro Manila Turf Club (MetroTurf), Manila Jockey Club (San Lazaro) at Philippine Racing Club (Sta. Ana) — ay pumayag ang Games and Amusements Board (GAB) na ibalik ang “forecast betting scheme” sa lahat ng programa sa karera maliban sa “penultimate” race ng raceday.

“The three racing clubs have agreed and convened during our meeting this afternoon to adopt the following changes effectively today,” pahayag sa sulat ng grupo kay GAB chairman Baham Mitra na may petsang Agosto 16, 2018.

Kaagad naman itong tinugunan ni Mitra sa sulat na may pareho ring petsa.

“The Games and Amusement Board (GAB) welcomes this development as it will help strengthen the horseracing industry,” ani Mitra.

“Nagpapasalamat tayo sa naging desisyon ng racing clubs dahil talagang tinamaan ng malaki rito ang mga horse-owners.

Umaaray na sila, actually, humingi na rin sila ng tulong sa atin para makumbinsi ang mga racing clubs na irekonsidera ang naunang desisyon.”

Magugunitang noong isang buwan ay hiniling ng tatlong karerahan ang pagbawas ng Daily Double (DD) at Forecast (FC) sa kanilang programa bilang paraan para masawata ang “illegal bookies” na umiiral sa Kamaynilaan.

Inalmahan ito ng Metropolitan Association of Race Horse Owners (Marho), Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo) at Club Don Juan kaya minabuti ng tatlong karerahan na ibalik ang FC.

“Umaasa tayo na sa naging desisyon ng racing clubs ay manumbalik ang sigla ng industriya na kailangan ng marami nating kababayan, higit yaong mga direktang nakadepende rito,” pahayag ni Mitra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending