Tratong Kapamilya at Patas na Patrabaho sa Israel | Bandera

Tratong Kapamilya at Patas na Patrabaho sa Israel

Susan K - August 17, 2018 - 12:10 AM

INAASAHANG mapipirmahan ang bilateral agreement sa pagitan ng bansang Israel at Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna- unahang pagkakataon sa naturang bansa.

Ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Effie Ben Matityau, pagtitiyak ito upang mabigyan ng higit na proteksyon at maayos na living condition ang mga Pinoy sa Israel.

Ayon sa Philippine Statistics Authority mayroong humigit 4.3 milyon Pinoy ang nagtatrabaho sa mga Western Asian countries tulad ng bansang Bahrain, Israel, Lebanon at Jordan.

Noong nagsisismula pa lamang ang Bantay OCW, 21 taon na ang nakararaan, isa ang bansang Israel sa paboritong pagdalhan ng ating mga Pinoy caregivers.

Sa mga panayam sa ating mga opisyal noon, sinasabi nilang maayos ang pagtrato ng mga Israeli employers sa mga foreign workers doon. Tinatrato sila bilang mga kapamilya at tumatanggap ng parehong pasahod at mga benepisyo tulad din ng mga Israeli workers.

Kaya naman, isang masayang balita ang napipintong kasunduang ito lalo pa’t malalaman natin sa mga susunod na araw ang mga detalye at kung ano mga trabahong bubuksan para sa mga Pilipino.

May panahon kasing nagkaroon ng over-supply sa ating mga caregiver noon kaya napakaraming caregiver ang hindi nakapag trabaho sa ibayong dagat. Wala rin namang inaasahan na paglago ng pangangailangan noon para sa mga caregiver sa Pilipinas.

Isa pang nakapagpalala’ ng situwasyon ang paglabas ng napakaraming mga caregiving schools noon na animo’y mga kabuteng nagsulputan.

Saka lamang pala nila madidiskubre na walang trabahong naghihintay para sa mga nagtapos na ito ng caregiving. Gumastos lamang ‘anya sila ng napakalaki
para sa training at mga iskuwelahan lamang noon ang siyang kumita at hindi ang mga kababayan nating asang-asa pa naman na makakapag-abroad bilang caregiver.

Pala isipan ngayon kung nasa industriya ng medikal at mga caregiver pa rin ba ang pangangailangan ngayon ng bansang Israel?

Iyan ang ating aabangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending