Panawagan para sa ‘Signal Rock’ ni Christian Bables | Bandera

Panawagan para sa ‘Signal Rock’ ni Christian Bables

Reggee Bonoan - August 17, 2018 - 12:20 AM

Nakahihinayang na kulelat ang pelikulang “Signal Rock” sa ginaganap na 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino gayung maganda, maayos at malinis ang kuwento nito mula sa direksyon ni Chito Roño para sa sarili niyang produksyon at ni-release ng Regal Entertainment.

Pinalakpakan nang husto ang lahat ng nagsiganap pagkatapos ng celebrity screening na ginanap sa Trinoma Cinema 5 nitong Miyerkules sa pangunguna nina former ABS-CBN President Charo Santos-Concio at dating Star Cinema Chief Operating Officer Malou Santos.

Paglapit nga ng bida ng movie na si Christian Bables kay Ms. Charo para magbigay-pugay ay sinabihan siya agad ng, “Congratulations, ang galing mo!” Kaya naman ang saya-saya ng aktor ng sandaling iyon.

Nakita naming nag-uusap sina Ms. Charo, Ms. Malou, direk Chito at Ms. Roselle Monteverde na inisip namin na baka gagawa sila ng pelikula.

Nakapagtataka lang kung bakit R-18 ang ibinigay na rating ng MTRCB sa “Signal Rock?” Dahil ba ito sa butt exposure ni Christian at sa pumping scene nila ni Elora Espano? O dahil sa eksenang pinugutan ng ulo ang isa sa support role na hindi naman katagalan?

May mga pelikula kaming napanood na mas grabe pa ang patayan pero R-16 lang, tapos ang “Signal Rock” ay binigyan ng R-18?

Ang pelikula ay tungkol sa islang matatagpuan sa Biri, Samar na hinampas ng bagyo kaya maraming nasira at nawalan ng signal kaya kinakailangang umakyat parati ni Christian sa mataas na bato para makausap ang Ate Vicky (boses ni Judy Ann Santos) niya na nagpapadala sa kanila ng pera.

Ang husay-husay ni Christian sa “Signal Rock” effortless ang acting niya kaya naman pala pinupuri siya nang husto ni direk Chito. Actually, lahat ng artistang kasama sa pelikula ay magagaling maski na iilan lang ang mga eksena, pakiramdam nga namin, bawal ang hindi marunong umarte sa shooting dahil tiyak na lalamunin ka.

At dahil ilang sinehan lang pala ang nakuha ng “Signal Rock” ay may pakiusap ang isa sa cast na si Nanding Josef.

Aniya, “Kung may mga kaibigan po kayo sa probinsya pakitawagan naman po, sabihin n’yo po i-request na ipalabas sa probinsya sa maraming sinehan ang ‘Signal Rock’ kasi po baka (matanggal agad), kasi mas maraming popular stars sa ibang pelikula na magaganda rin naman baka po hindi kami ipalabas sa probinsya.”

Oo nga, kami rin ay nananawagan na panoorin ng mga kababayan natin ang “Signal Rock” dahil hindi kayo magsisisi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending