Bakit hinay-hinay muna sa pagtatrabaho si Enrique Gil pagkatapos ng Bagani? | Bandera

Bakit hinay-hinay muna sa pagtatrabaho si Enrique Gil pagkatapos ng Bagani?

|August 14,2018
facebook
share this

Bakit hinay-hinay muna sa pagtatrabaho si Enrique Gil pagkatapos ng Bagani?

- August 14, 2018 - 12:05 AM

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

HINAY-HINAY muna sa pagtatrabaho ngayon si Enrique Gil pagkatapos ng primetime serye nila ni Liza Soberano na Bagani sa ABS-CBN.

Sa ginanap na thanksgiving at farewell presscon ng Bagani kamakailan, sinabi ni Enrique na mas bibigyan niya ngayon ng oras ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang nanay.

“Siyempre tumatanda na rin ang mom ko, yung kapatid ko she’s growing up. I just felt I lost another few years with them, kasi I gave my whole life to showbiz, and I felt I can’t take that away from them and I wouldn’t change it for the world naman di ba,” pahayag ng aktor.

Dugtong pa niya, “Family is more important. Kailangan mo magtrabaho para sa pamilya mo, pero sa akin mas importante minsan na makasama mo ang pamilya mo, kahit konting oras lang.”

Sa katunayan daw after ng Bagani, sandamakmak pa ang trabahong kailangan niyang gawin, “Siguro sa schedule lang, nagpatong-patong lang, it gets really tiring also.

“So, we’re fixing the schedule na hindi ko kaya yung super ratsada, compared to how many years na nagsimula ako, sabi ko relax muna tayo konti ngayon,” sey pa ng lead star ng Bagani na malapit na ngang matapos.

Samantala, masusubok ang paninindigan ng mga Bagani sa patuloy nilang paglaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob sa huling linggo ng Bagani.

Nanganganib na mabura ang lahat ng buhay sa Sansinukob kapag hindi napatay ang halimaw sa loob ng katawan ni Ganda (Liza). Patuloy na naglalakbay si Ganda kasama si Lakas (Enrique) para hanapin ang Puso ng Sinukuan.

Bagama’t nagkakaisa na ang buong Sansinukob laban kay Malaya (Kristine Hermosa), ang siyang nagtanim ng halimaw kay Ganda, natatakot pa rin sila para sa kanilang kaligtasan dahil bawat sandaling hindi nakukuha ni Ganda ang lunas ay lumalakas ang halimaw sa loob niya.

Ano ang gagawin nina Lakas, Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales) at Liksi (Zaijian Jaranilla) para mailigtas ang Sansinukob?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alamin lahat ‘yan sa mga huling pasabog ng Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending