NAGSAGAWA ng pag-aa-ral ang mga mananaliksik sa Estados Unidos u-pang malaman kung may benepisyo ba ang mga pagkaing trending.
Ito na ang ikalawang pag-aaral na isinagawa ng mga researcher sa American College of Cardiology Nutrition and Lifestyle Workgroup of the Prevention of Cardiovascular Disease Council.
Ang pag-aaral ay pinangunahan ni Andrew Freeman at narito ang resulta ng kanilang isinagawang pananaliksik.
Ayon kay Freeman walang “one size fits all” dietary pattern upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Pero kung ang mga pag-aaral ang pagbabatayan, malaki ang benepisyo ng pagkain ng plant-based diet sa katawan kaysa sa pagkain ng mga pagkain na mataas ang asukal, asin, at processed food.
Beans
Ang mga legumes gaya ng beans, chickpeas, lentils, peas at soybeans ay nakatutulong upang mabawasan ang coronary heart disease at mapaganda ang lebel ng glucose at LDL cholesterol o bad cholesterol sa dugo.
Napagaganda rin nito ang systolic blood pressure at ang timbang ng isang tao kung nasa tamang dami ang kakainin.
Kape
Bukod sa pampagising, may mga pag-aaral na nagsasabi na may magandang dulot ang kape sa pagpapababa ng tyansa na magkaroon ng sakit sa puso.
Wala ring nakita ang mga mananaliksik ng kaugnayan ng pag-inom ng kape at mataas na blood pressure.
Tea
Mas maraming umiinom ng tea kasi pampalinis daw ng katawan.
Ayon sa pag-aaral ang black at green tea kung hindi hahaluan ng cream, gatas, asukal at iba pang pampatamis ay nakapagpapaganda ng cardiovascular system at blood lipid.
Dairy
Bagamat may pag-aaral na nagsasabi na ang mga low-fat dairy ay nakapagpapababa ng blood pressure, may mga pag-aaral naman na nagsasabi na ang pagkain ng mga dairy products ay nakapagpapataas ng LDL cholesterol o bad cholesterol.
Kaya kung kakain ng mga dairy product ay dapat limitahan ito o isama sa iba pang healthy food.
Tamis
Ang pagdaragdag ng asukal o high fructose corn syrup ay iniuugnay sa pagtaas ng tyansa na magkaroon ng coronary heart disease at nagpapalala ng atherosclerotic cardiovascular disease.
Kaya inirerekomenda ng mga mananaliksik na iwasan ang pagdaragdag ng asukal sa mga pagkain at inumin na matabang sa panlasa.
Alak
May pag-aaral na nagsasabi na ang pag-inom ng alak ng low-to-moderate level ay nakatutulong sa pagpapababa ng cardiovascular disease.
Pero hindi ito inirerekomenda dahil sa ibang sakit na maaaring maidulot ng pag-inom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.