Water level sa Marikina River tumaas sa 16.3 meters; nananatili sa ikalawang alarma
UMAKYAT sa 16.3 metro ang lebel ng tubig ng Marikina River ganap na alas-5:15 kanina hapon, ayon sa public information office ng lungsod sa isang advisory.
Sa datos ng Marikina Public Information Office, nananatili ang alarm level II matapos namang umakyat ang lebel ng tubig sa 16.3 metro mula sa 16 metro ganap na alas-3:35 ng hapon.
Umabot sa 20 metro ang lebel ng tubig sa Marikina River sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan noong Sabado, dahilan para ipatupad ang paglilikas sa mga residente sa mababang lugar.
Sinuspinde na rin ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.