PPP All-Star Parade regalo sa Pinoy movie fans
NGAYONG araw na ang Pista At The Park Grand Fans Day & All-Star Parade, ang pinakamalaking kick-off ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 na gaganapin sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle.
Ang event na ito ay libre sa publiko at in-organize ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Puno ng activities ang buong araw ng fun-filled games at cultural performances mula sa Sindaw, Kontra-GaPi at Ryan Tamondong.
May special performances din mula sa local artists na sina Mark Joseph Bornales, Mikhail Ali Hooshmand, Awkweird, Van Sulitas, Shaira Hao, Alexia Sumilang, Onin Gonzales, Cheantel Daints Caro Edric Vanguardia at Stef Aranas.
Sa ganap na 2 p.m., ang PPP All-Star Parade ay magsisimula sa harap ng MTRCB Building sa Timog at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.
Ang walong full-length films ay magkakaroon ng designed trucks kasama ang kanilang mga artista, ganu’n din ang Special Feature Section at Sine Kabataan entries.
Ilan sa mga malalaking bituin na kasama sa Pista At The Park ay sina Markus Paterson at Sue Ramirez ng “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi”; sina Devon Seron, Vance Larena at Nikko Natividad naman sa “Bakwit Boys”; Nico Antonio, Edgar Allan Guzman at Chai Fonacier for “Pinay Beauty”; Christian Bables ng “Signal Rock”; JC Santos at Bela Padilla ng “The Day After Valentine’s”; Winwyn Marquez sa “Unli Life” at Erich Gonzales for “We Will Not Die Tonight.”
Mahigit sa 100 passes ang ipara-raffle sa PPP’s PistAmazing Race kung saan lahat ay puwedeng sumali sa pamamagitan lamang ng paggawa ng hindi bababa sa 10 sa 12 na tasks na ibibigay sa mismong araw ng Pista At The Park.
Ang kailangan n’yo lang gawin ay i-download ang PistApp sa Google Play o App Store para makasali.
Ang Pista At The Park ay co-hosted ng Office of the Vice Mayor Quezon City (OVM) at Quezon City Film Development Commission (QCFDC) kasama ng Pista at the Park official event sponsor, ang JCE Inflatables.
Ang 2018 PPP ay tatakbo simula Aug. 15 hanggang 21, sa lahat ng sinehan nationwide at presented in partnership with National Cinemas Association of the Philippines (NCAP), Unicef, Globe Play It Right, SOLAR Entertainment, Outpost Visual Frontier, Nestle, Camella Condo Homes, ThinkBit at Sequioa Hotel.
Ito ay suportado rin ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), CNN Philippines, PEP.ph, MOR 101.9 For Life, Wish 107.5, Push.com, Uniquely Pinoy, at Inquirer.net kasama rin ang mga government agency partners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.