MAHIGIT 12,000 bakanteng trabaho ang iaalok sa Job Caravan na gaganapin sa Linggo, Agosto 12, 2018
Isasagawa ang jobs caravan sa SMX Convention Center, Pasay City, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang oportunidad sa trabaho ay para sa mga skilled worker, administrative staff, accounting, Information Technology (IT), gayundin para sa mga engineering professionals. Makikita ang mga bakanteng trabaho sa Build Build Build Job Portal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Apela ng DOLE sa mga naghahanap ng trabaho, partikular ang mga manggagawang nagbalik ng bansa gayundin ang mga magtatapos na estudyante na samantalahin ang oportunidad sa trabaho sa ilalim ng Job Caravan ng Build Build Build Program ng administrasyon.
Pinaalalahanan ang mga aplikante na maghanda ng kanilang mga kinakailangang dokumento tulad ng resume (magdala ng maraming kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID photo; photocopy ng training certificates (kung mayroon); certificate of employment sa dating pinagtatrabahuhan (kung mayroon); transcript of records; diploma; PRC License para sa mga posisyong pang-propes-yonal; awtentikadong birth certificate; at NBI clearance.
Magkakaroon din ng satellite on-site services ang SSS at iba pang ahensiya tulad ng Bureau of Internal Revenue (para sa tax identification number); National Bureau of Investigation (para sa NBI clearance); Pag-Ibig (para sa Pag-ibig ID); National Statistics Office (para sa awtentikadong birth certificate), para sa mga aplikanteng hindi pa nakakakuha ng mga nasabing kinakailangang
Director Dominique Rubia- Tutay
Bureau of Local
Employment
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.