UMABOT sa P29 milyong halaga ng marijuana ang sinira sa mga bayan ng Butbut at Tinglayan, Kalinga kamakailan, ayon sa Cordillera police.
Ni-raid ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 17 plantasyon ng marijuana sa Brgy. Bugnay sa Butbut, at Barangay Ngibat sa Tinglayan.
Ito na ang pangatlong operasyon na isinagawa sa probinsiya sa nakalipas na apat na linggo, dahilan para umabot sa P69 milyon ang halaga ng sinirang marijuana.
Wala namang naaresto sa mga operasyon.
Sinabi ng mga otoridad na matatagpuan ang mga plantasyon sa matarik na bahagi ng bundok, kaya mahirap mapuntahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.