Lady producer nalugi na nga sa negosyo, nasunugan pa
BLIND item: Speaking of film producers, matagal nang nag-pack up sa negosyo ang lady producer na ito.
For some strange reason, nabangkorote ang produ. And as if ‘di pa ito sapat, nasunugan pa sila making her family’s life literally on ground zero.
May konek ang pangalan niya sa isang infamous female personality batay sa ulat sa media. May bansag sa taong ito, unflattering though.
Pero mas angkop daw ang titulong ‘yon sa naghirap na lady produ as she was the original owner.
Kung babalikan, malaki ang panghihinayang ng maraming artistang nabigyan noon ng trabaho.
Dahil bagito’t inexperienced sa negosyong pinasok, may nagbabala sa lady produ na mag-ingat sa kanyang pakikipag-deal sa isang kilalang showbiz personality na ang hangad ay gatasan siya.
Ang huling tinutukoy namin ay malapit din sa binanggit naming infamous female personality.
q q q
Another quick break from showbiz stuff.
Labingpitong buwan na pala ang nakalipas mula nang mabilanggo si Sen. Leila de Lima on drug trafficking charges. Kamakailan, plea of not guilty ang inihain ng kanyang kampo sa Muntinlupa RTC sa isinagawang arraignment sa kanya.
Dahil sa development na ito, some quarters are bringing back de Lima’s campaign battlecry na Sherlock Holmes ang peg. In hindsight, ang slogan ng noo’y senator-wannabe ay siya ang kalaban ng mga corrupt at kriminal.
But is it not obviously ironic na ang isang taong nagsusulong noon ng katarungan—being a former DOJ Secretary—ay siya ngayon—as far as her detractors are concerned—ang nasampolan ng hustisya?
Sinasabi pa na ang campaign materials noon ni de Lima reeked of partial truth, ergo, wala raw iniwan ‘yon sa mga naglipana ring fake or fabricated news.
De Lima sounds like “dilemma.” Whether or not Fate has anything to do with it, it’s a fact na kailangang hanapan ito ni De Lima ng way out to vindicate herself and prove her accusers wrong.
Ayaw ng katukayo ko ng ganyan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.