Ate Guy balak buhayin ang NV Productions; Vilma dapat ding bumalik sa pagpo-produce
HINDI kami Noranian but it doesn’t mean we don’t admire the Superstar. Bilib kami kay Nora Aunor in much the same way na hinahangaan namin si (Congw.) Vilma Santos.
Marahil, if it were not for her legislative work, tulad ni Ate Guy—who appears in a GMA teleserye—ay visible din si Ate Vi on TV or on the wide screen.
Minsan pang sinabi ni Ate Guy na balak niyang i-revive ang kanyang NV Productions. Bagama’t hindi na namin matandaan how many films it produced or its last film before it folded up ay mga de-kalibre ang mga ‘yon although those weren’t much of a commercial success.
Tulad ni Ate Guy, dati ring nagprodyus si Ate Vi via her VS Productions. Isa sa mga ipinrodyus niya ang obra ni Celso Ad Castillo, ang “Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak.” A classic though, it bombed at the tills.
Matagal nang panahong inactive like sleeping volcanoes ang NV at VS. Good news, Ate Guy is making it spring back.
Sana’y may ganito ring balak si Ate Vi, kahit once in a while man lang ay mapanood din siya mismo in her self-produced film.
There may be a good number of indie film companies bilang dagdag sa mga malalaking kumpanya which still do business. Ang pagbabalik-aktibo ng NV at VS translates to employment ng mga manggagawa sa industriya na masuwerteng nabibigyan ng pagkakakitaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.