PATAY ang dalawang lalaki na may dala-dalang pinaghihinalaang improvised explosive device (IED) matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Mlang, North Cotabato ngayong umaga, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Supt. Bernard Tayong, ng North Cotabato police provincial office, na pinahinto ng mga elemento ng pulis at militar mula sa 7th Infantry Battalion ang riding-in-tandem sa isang checkpoint sa Barangay Sangat.
Hindi umano tumigil ang dalawa at pinatakbo ang motorsiklo.
Hinabol ang mga suspek at nauwi sa barilan, ayon kay Mlang Vice Mayor Joselito Pinol.
Nakatakas naman ang isa pang suspek.
Umabot ng mahigit isang oras bago nakalapit ang mga otoridad sa napatay na mga suspek na may dala-dalang sling bag, na kinalaunan ay nadiskubremg improvised na bomba ang laman nito.
“The bomb has no blasting cap, it’s an incomplete IED,” sabi ni Tayong.
Gawa ang IED sa 60-mm mortar ammunition, isang mobile phone, pinutol na mga pako at mga bala.
Natagpuan din ng mga pulis at Army bomb experts ang isang pistola at maraming sachet ng shabu mula sa mga napatay na suspek.
Pang-apat na ang insidente ng pagkakadiskubre ng IED sa Barangay Sangat sa umano’y pagtatangkang pambobomba sa North Cotabato – tatlo sa Mlang at isa sa Kidapawan City.
Sinabi ng isang Army intelligence officer na posibleng gawa-gawa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang tangkang pambobomba sa Mlang tapos namang maipaaa bilang bataa ang
Bangsamoro Organic Law.”
“The group is making noise to show its capability,” sabi ng opisyal. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.