Rochelle isang taon nang kasal kay Arthur: Na-discover ko pwede pala siyang utusan! | Bandera

Rochelle isang taon nang kasal kay Arthur: Na-discover ko pwede pala siyang utusan!

|August 07,2018
facebook
share this

Rochelle isang taon nang kasal kay Arthur: Na-discover ko pwede pala siyang utusan!

- August 07, 2018 - 12:15 AM

MARAMI pang nadi-discover sa isa’t isa ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap makaraan ang isang taon nilang pagsasama as married couple.

Bukas ang first wedding anniversary ng Kapuso showbiz couple at kinumusta nga namin si Rochelle sa nakaraang presscon ng bagong GMA series na Onanay tungkol sa buhay may-asawa.

“Masaya, inspiring. We also experience yung normal na nararanasan ng mag-asawa, siyempre pinagdadaanan din namin yun. So kami, sabi nga sabay naming ine-enjoy yung journey,” kuwento ng Kapuso actress-dancer.

So, anong masasabi mo sa mga na-discover mong bago kay Arthur? “Akala ko wala siyang
pasensya, mahaba pala ang pasensya niya. Saka pwede pala siyang utusan. Sabi ko nga, hindi ko na kailangan ng kasambahay,” natatawang sagot ni Rochelle.

Baka naman inaander niya si mister? “Hindi yun totoo. Lagi nga niyang reklamo masyado raw akong OA sa bahay, sa sobrang linis. E, anong gagawin, hayaang marumi? Mga ganu’n, parang sabay lang namin pinagdadaanan lahat.

“Kung anuman yung…siyempre meron din kaming mga hindi pinagkakaintindihan, mga di pinagkakaunawaan. Pero at the end of the day bago matulog, nag-uusap kami. Ang sarap nga, e. Natutulog kami ng sabay, bago kami matulog pinag-uusapan namin yung hindi namin pinagkakaunawaan. Paano namin sosolusyonan,” sey pa ni Rochelle.

Usap lang ba, walang aksyon? “Minsan lang. Minsan lang ang action. Kasi yung taping namin magkaiba (ang schedule), so medyo hindi magkasundo sa time.”

E, paano kayo magkakaanak kung walang masyadong aksyon? “In God’s perfect time. Sabi namin kung mabubuntis ako bigay ni God yun. Hindi rin kami nag-iingat. Hindi kami nagko-contraceptives kaya kung ibibigay talaga busy man kami o hindi, darating (ang baby).”

Samantala, balik-primetime teleserye si Rochelle. Kasali siya sa family drama na Onanay na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Cherie Gil at ng baguhang aktres na si Jo Berry na hindi man nabiyayaan ng height ay punumpuno naman na talento.

Gaganap si Rochelle bilang BFF ni Jo Berry sa kuwento, siya ang magiging sumbungan at tagapagtanggol ni Jo na gumaganap namang anak ni Ate Guy.

Nagsimula na last Monday ang Onanay sa GMA Telebabad kapalit ng Kambal Karibal. Kasama rin dito sina Adrian Alandy, Gardo Versoza, Kate Valdez, Mikee Quintos, Wendell Ramos at marami pang iba, sa direksyon ni Gina Alajar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending