Liza nagpaliwanag sa P25M pondo ng FDCP na kinuwestyon ng COA
SINAGOT ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino ang panibagong isyu tungkol sa P25 million na kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) sa kanyang opisina.
Matatandaan na bago si Liza ay una nang nakuwestyon ng COA ang partner niya na si Ice Seguerra bilang chairman ng National Youth Commission (NYC) dati sa paggamit ng pera sa maluluhong expenses na walang resibo. Although, agad din naman itong nalinaw ni Ice.
Ayaw isipin ni Chair Liza na merong iba na nais talaga silang intrigahin ni Ice or worst patalsikin siya sa kanyang pwesto. Kaya kung anu-anong isyu ang ibinabato sa kanya.
Ayon kay Chair Liza, ang P25 million na nasilip ng COA sa FDCP ay ang ‘di pagre-remit ng bayad ng mga sinehan sa previous administration.
“Kailangang ayusin ‘yung process nu’ng collection. May practices before na parang kami ang naniningil sa sinehan. Pero dapat ang sinehan ang nagre-remit sa gobyerno. ‘Yun ang hindi na-address. So, ngayon ‘yun ‘yung inaayos namin. Can you imagine since 2002 ganu’n na ang practice? At ngayon lang natin babaguhin,” esplika ni Chair Liza.
Nakausap namin siya after ng Q&A during the media launch ng anim na pelikulang napili para sa nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Special Feature Section.
“Lahat ‘yun from the previous administration. Sa amin, ‘yung COA findings, ongoing siya. Na-inherit namin siya, so, kailangang ma-finalize. Pero ngayon nagbabayad na ‘yung mga sinehan,” balita niya sa amin.
Imbes na magalit ay ikinatuwa na rin ni Chair Liza ang paglabas ng COA audit dahil may sinehan na kusang nag-remit ng kanilang payment sa FDCP.
“Naging positive ‘yung outcome. Alam naman ng COA that we are working with them. Kasi ano, e, ‘yung mga issues na ‘to parang collection siya. Hindi talaga naka-depende sa FDCP ‘yung results kailangan naming makipagtrabaho sa mga stakeholders na concern para ma-comply namin ‘yung hinihingi nila.”
Samanatala, ang PPP Special Feature Section ay nagbubukas ng oportunidad sa mga outstanding independent film na umani ng mga parangal from prestigious award-giving bodies.
Kabilang sa mga pelikulang napili ng Selection Committee ng PPP ang “The Howling of Wilderness” (QCinema 2017); “Gusto Kita With All My Hypothalmus” (Cine Filipino 2018); “High Tide” (ToFarm); “Kiko Boksingero” (Cinemalaya 2017); “Paki” (Cinema One Originals 2017); at “Tu Pug Imatuy” (Sinag Maynila 2017).
“We are grateful and proud that PPP gets to screen these six films which are more than worthy to be watched and appreciated by a wider audience,” sabi pa niya.
Mapapanood ang mga pelikulang nabanggit from Aug. 15-22 sa SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Fairview, SM. Sta. Mesa, Gateway Cineplex at Robinsons Galleria.
q q q
Muling magaganap ang Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club this year. Ang PMPC ay samahan ng mga manunulat sa showbiz na nagbibigay ng taunang parangal hindi lang sa larangan ng musika kundi pati na sa pelikula at telebisyon.
Isa sa past winners sa Star Awards for Music ang inmate-singer na si Herbert Colangco.
Nakagawa at nakapaglabas kasi siya ng album kahit nakapiit sa kulungan.
Hindi lang si Colangco ang nakagawa ng proyekto for local entertainment habang nakakulong, nandiyan din si Robin Padilla na nakapaglabas ng pelikula habang nasa New Bilibid Prisons.
And speaking of Colangco, balitang nabuwisit at talagang dismayado raw ang inmate-singer sa bagong recognition na ipinagkaloob kay dating DOJ Sec. Leila de Lima. Binigyan kasi ng Liberal International ng “Prize for Freedom” award ang nakakulong na senadora.
Totoo bang ang kampo ni Colangco ay may tampo dahil sa halip na bilisan ang kasong kinakaharap ni De Lima ay kinilala pa siya sa paglaban sa human rights violations.
Ang sentimiyento ng sentimental singer, baka naman daw dumating ang panahong bulok na siya sa kulungan habang nae-enjoy na ni De Lima ang kanyang freedom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.