Death penalty isusulong pa rin ng Palasyo sa kabila ng pagtutol dito ni Pope Francis
SINABI ng Palasyo na tuloy pa rin ang pagsusulong ng administrasyon sa panukalang batas na nagbabalik sa parusang kamatayan sa kabila ng pahayag ni Pope Francis na hindi ito katanggap-tanggap.
Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa kamay na ngayong ng Senado ang panukala matapos namang naunang makalusot sa Kamara.
“I think the matter of the death penalty is in the hands of the senators now. So, we leave it to the Senate whatever decision they may have ‘no. The President would still try gentle persuasion but it’s really a decision of the senators now,” sabi ni Roque.
Nauna nang sinabi ng Papa na dapat ay hadlangan ng Simbahan ang pagbabalik ng death penalty dahil inaatake nito ang dignidad ng lahat ng mga nilalang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.